Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SABUNGERONG PULIS, NAG-LIE LOW MUNA

$
0
0

NAG-LIE LOW muna at hindi na muna nagpakita sa sabungan ang pulis na inereklamong madalas na magsabong sa kabila ng pagiging alagad ng batas nito.

Basahin natin ang follow-up ng reklamo ng isang concerned citizen.

Gud am po, Sir Juan de Sabog. Salamat at nailabas ninyo ‘yung sumbong ko tungkol sa pulis na ‘sabungero’ at ang dami na pong nakaaalam kaya ‘di na po nagpakita sa tupadaan simula nang inupakan ninyo sa kolum ninyo sa dyaryong Remate.

Ang kaso, itong mga purok leader na bugok at kunsintidor sa kanilang mga nasasakupan, sila pa ang kakutsaba ng mga pulis na katulad din nilang bugok.

Alam ninyo, sir, dapat kalusin din ang mga ito ni Barangay Kap. Jojo Abad para ‘di masira ang pangalan niya dahil hindi po kinukunsinte ni Kapitan Abad ang mga ganitong gawain.

Ang mga purok lider ay sina Mangaser at Clarita at dito lamang po amin sa may Talanay Area-A at Area B nakatira.

Imbes na suportahan nila ang “0plan Pagbabago”, palipat-lipat lang ang patupada nila at hindi ko malaman kung may mga kakutsaba silang pulis.

Hindi rin hinuhuli ng mga pulis ang sabungan kasi may mga pulis din na nakikinabang.

Kunwari bubulabugin pero hindi naman hinuhuli. Kaya sawa na rin ‘yung mga ibang tao na laging naabala sa daanan tuwing nagbibitaw sila ng manok.

Kaya salamat po ulit, sir. Sana makaabot ito kay Brgy. Capt. Jojo Abad para sa pagbabago.

Huwag na lang po ninyong i-publish ang number ko.

Maraming salamat, sir, God Bless!

UNTOUCHABLE KAY PD, MAGKANO?

NGAYON silipin natin itong hindi magiba-gibang “pa-lottengan” ni Marivic sa mga bayan ng Bocaue, Marilao at Sta. Maria na pawang mga nasa lalawigan ng Bulacan.

Wala kasing ipinagmamalaki itong si Marivic kundi super bagyo siya kay Bulacan Provincial Director S/Supt. Romeo Caramat, Jr.

Kaya gayun na lamang kalakas ang loob ng ale na magpa-lotteng sa tatlong bayan ng Bulacan.

Ang tanong: Magkano ba ang ibinibigay na payola ni Marivic kay S/Supt. Caramat (kung mayroon man?).

Bakit ganito katapang ang babaeng ito?

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>