Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WA-‘K’ SI GEN. VALFRIE TABIAN

$
0
0

ANG Region 4-A na kung tawagin din ay Calabarzon area ay isang lugar sa bansa na ‘di biro ang problema sa peace and order.

Dahil sa peace and order glitch kaya maingat ang liderato ng PNP sa pagpili sa mga naitatalagang police director sa rehiyon na ito.

Ang R4-A ay kinabibilangan ng Cavite, Batangas, Laguna, Rizal at Quezon – mga lalawigang kung tawagi’y ‘crime lords’ haven.

Dahil tahanan ng ‘lords’ o lawbreakers, kaya dapat lang na magaling at maaasahan na general ang naa-appoint na regional head.

Isa sa hinangaan nating nagtrabaho bilang R4-A boss ay ang kamakailan lang ay ang nagretirong si C/Supt. Richard Albano. Si Gen. Albano na binansagan kong si ‘Nero Wolfe’, ang magaling na fiction police detective, ay ‘di natakot na sinagupa ang mga kriminal.

Bukod sa tapang na ipinakita sa pagharap sa mga lord, ‘action man’ din si Gen. Albano dahil inaaksyunan ang sumbong ng bayan. Pero kung ‘action man’ si Gen. Albano, ang pumalit at bagong R4-A director C/Supt. Valfrie Tabian ay ‘di raw action man.

Noong panahon ni Gen. Albano, isumbong mo ang tupadahan, agad itong pinalulusob at pinahuhuli ng magaling na heneral.

Sa lideratong Tabian, parang pumasok lang daw sa kaliwang tenga at lumabas sa kanang tenga ang sumbong na mga kailigalan. Pakiwari ng mga residente, nagkamali raw yata si PDG Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pag-a-appoint kay R4-A Director Gen. Tabian.

Subukan nga natin si general. Hamon natin ay pahuli si ‘Felix’ na nasa likod ng paihi operation sa Brgy. Aquila, San Jose, Batangas. Pahuli mo rin, general, ang mag-asawang lords – sina Hajie at Aisa na bigtime STL operator sa Brgy. San Jose, Lipa City.

Sa Ibaan, ang STL operators ay sina Gerry Acebo, samantalang sa bayan ng San Juan ay ang untouchable na sina Nelson at Press.

Sa Padre Garcia ay ang mga pulis na sina PO1 Mindanao at isang Sgt. Francisco na nagpapatakbo ng pergalan sa Brgy. Banaba Sentro.

Isang Kap. Virtucio, Kap. Indo at Kap. Inao ay STL operators sa San Jose.

Wa-‘K’as in ‘walang karapatan’ si Gen. Tabian na maging R4-A chief kung ‘di mapahinto ang operasyon ng mga iligalistang ito.

Abangan natin! CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>