PAG-UPO pa lang sa pwesto ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong Hulyo 2010 ay marami na ang lumapit at nagsumamo sa kanya upang maipasa ang Freedom of Information kabilang na ang National Press Club at iba pang samahan ng mga mamamahayag.
Natapos ang termino ni Aquino ay hindi naipasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ng Senado ang FOI na magiging daan para magkaroon ng transparency sa pamumuan.
Ito’y dahil hindi pursigido si PNoy sa pagpasa ng batas na mabubukas sa mata ng mga tao kaugnay sa katapatan ng namumuno sa mga mamamayang naglagak sa kanya sa puwesto.
At dahil aabutin pa ng ilang panahon bago maipasa ang FOI, minabuti na ng bagong upong si Presidente Rodrigo Duterte na gumawa ng Executive Order para sa FOI bill upang maipasa.
Sa madaling salita, ipinakikita ni Pangulong Digong na totoo siya sa kanyang mga binitiwang salita noong nangangampanya siya na nais niyang matiyak na magkaroon ng malinis at tapat na pamumuno sa kanyang administrasyon.
Kapag nagtuloy-tuloy ang programa ni Pres. Duterte ay mangangahulugang bukas sa lahat ang papeles at transaksyon na ginagawa ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.
Ang ibig-sabihin nito ay malaki ang magiging kabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang korapsyon na nagiging dahilan sa lalong pagkakaroon ng problema ang proyekto at programa ng pamahalaan.
‘Pag nangyari ito, aangat na ang ekonomya natin dahil ang perang dapat sana ay sa kaban ng bayan ay napupunta sa bulsa ng iilan.
At isa sa layunin ni Pang. Digong ay mawala na ang katiwalian at pandarambong sa bawat administrasyon. Kung nasimulan na niya ang kanyang programa, sana ay magtuloy-tuloy na ito para maramdaman naman ng taumbayan ang totoong pag-unlad ng ekonomiya ng bayan at hindi ng bulsa ng iilan.
Kaya naman sa pagbubukas ng 17th Congress, nawa’y magkaisa na ang mga mambabatas at maging ang mga mambubutas (present lang ‘pag may pagkakaperahan pero madalas wala ‘pag regular session) na maipasa ang FOI bill dahil dito nakasalalay ang pag-unlad at pagbangon ng ating bansa mula sa pagdapa ng ekonomiya dahil sa mga korap.
Pwede naman palang EO lang ang katapat ng FOI Bill para maipasa, bakit hindi nagawa ni Noy?
oOo
Happy birthday to my precious gem, Aldrich Vincent Bascuguin, who is turning 6-years old today. PAKUROT/LEA BOTONES