Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ABUSADONG PULIS, MAS MASAHOL SA KRIMINAL

$
0
0

MALINAW pa sa sikat ng araw ang direktiba ni Pangulong Rody Duterte sa mga kagawad ng Philippine National Police at iyan ay paigtingin pang lalo ang kampanya laban sa pagbebenta ng iligal na droga.

Naniniwala akong walang sasantuhin ang PNP sa pamumuno ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa pagtugis ng druglords, traffickers, dealers at pushers sa anti-illegal drugs drive.

Ngunit kaakibat ng utos na ‘yan ni Duterte ang warning na huwag abusuhin ang kanilang awtoridad bilang pulis.

Kapag ‘yan ay napatunayang nilabag ninomang PNP officer, tiyak na siya ay may kalalagyan.

“Abuse your authority, and there will be hell to pay, for your will have become worse than criminal himself,” ani Duterte.

Ako mismo ay nanggigigil kapag may nahuhuling mga drug dealer na talamak ang criminal record.

Kapag binuhay ‘yang mga animal na ‘yan ay gastos pa ng publiko ang pagpapakulong saka ‘pag nakalaya ay balik na naman ‘yan sa pagtutulak ng mapaminsalang droga.

Natunghayan natin ang libo-libong drug addict na “sumuko” ngunit ‘yan ay gakuko pa lang ng kabuuang bilang ng mga nagugumon sa “shabu” at iba pa.

Ngunit alam din natin na hindi rin kakaunti ang bilang ng kaso ng pang-aabuso ng mga pulis.

Ang ayaw nating mangyari ay ang samantalahin ng mga bugok na ito ang kampanya ng administrasyong Duterte para makapang-agrabyado ng mga inosenteng tao.

Hindi dapat magamit ang anti-illegal drugs drive sa iligal na paninita at pangongotong o pangingikil ng mga pulis o mga tanod at opisyales ng barangay.

Matandang modus na ‘yang “tanim-droga” sa pangongotong at ‘di na mabilang ang nabiktima ng mga unipormadong kriminal.

Huwag sanang mangyari ‘yan sa ilalim ng pamahalaang ito. Huwag payagan ‘yan na sirain ang simulain ng tunay na pagbabago.

***
Welcome po ang inyong mga reaksyon, opinyon at reklamo. I-email lamang po sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin n’yo kami sa Erwin Tulfo Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>