Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AYUDA SA OFWS, ANG ENDO AT DROGA

$
0
0

HINDI dapat na mag-aksaya ng kahit isang minuto ang mga kinauukulan sa mga overseas Filipino worker na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.

Libo-libo na sa mga ito ang labis na naghihirap at nagugutom sa pagkasibak sa trabaho mula sa nagsasarang malalaking kumpanya na kanilang pinapasukan.

Mayroon pa ngang ilan sa mga ito ang nababaliw na sa gutom, paghihirap at pag-aalala sa kanilang mga pamilya rito sa bansa.

KRISIS SA SAUDI

Nagsimula ang problema bago pa dumating ang nagdaang Kapaskuhan at nauugnay ito sa mabilis na pagbagsak ng ekonomiya ng Saudi Arabia sa pagbulusok ng presyo ng langis sa buong daigdig.

Mula sa mahigit $100 kada bariles, bumagsak sa $30 kada bariles ang langis at ngayon lang uli tumataas nang kaunti ang presyo.

Bilang pagtitipid ng pamahalaang Saudi, maraming kontrata nito sa mga pribadong kumpanya ang hindi na itinuloy at hindi na rin nito binayaran.

Dito na nagsimula ang kawalan ng sahod ng mga dayuhang obrero, kabilang na ang libo-libong OFW, dahil wala na ngang pampasahod ng mga kumpanya.

Mismong ang Saudi Aramco na may mahigit sa 65,000 na obrero ay nagsisibak na ng 20% rito at halos pawang mga dayuhan ang biktima na pumapalo sa mahigit 10,000 katao, kabilang na ang mga OFW.

MINAMALIIT

Noong panahon ni Pangulong Benigno Aquino III, minamaliit ng pamahalaan ang bilang ng mga nawalan ng trabaho.

Sa gitna ng pag-alarma ng mga obrero sa pamahalaang PNoy, anak ng tokwa, nanatiling makupad ang pagkilos ng nasabing pamahalaan.

At wala pang isang buwang nakauupo ang gobyernong Duterte, napag-alamang napakalala na pala talaga ang kalagayan ng mga obrero.

Napag-alamang hindi na mabilang sa daliri ang gustong umuwi pero hindi naglaan sina PNoy ng pondong pampauwi sa mga ito.

Pinipilit pala nina PNoy na pamasahehan ng mga OFW ang kanilang mga sarili kahit na alam nilang maski pagkain ay walang-wala na ang mga ito.

‘Yung iba nga, napag-alamang nagbebenta na lang ng dugo para meron silang panggastos at maipadala na rin sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

SINIBAK

Nitong nakaraang linggo, sinibak ng pamahalaang Duterte ang mga inutil na labor attaché sa Riyadh at Jeddah.

Aba, dapat lang kahit ikakatwiran nilang ang kawalan o labis na kakulangan ng suporta mismo ng pamahalaang Aquino sa mga OFW.

Ang punto, nagpatuloy ang kainutilan ng mga ito sa pagpasok ng gobyernong Duterte at natagpuan silang talaga namang walang silbi.

Dapat pa nga na mademanda ang mga ito sa kanilang kainutilan at iba pang mga opisyal na naging pabaya sa OFWs.

P500M PONDO

Ngayon ay naglaan ang pamahalaang Duterte pansamantala ng halagang P500-milyon para maasikaso ang pagpapauwi o pang-asiste sa mga OFW.

Libo-libo ang gustong umuwi pero nasa 9,000 ang umaasang makakukuha pa rin kahit papaano ng kanilang sahod.

Sana nga, maibsan man lang ang gutom, paghihirap, pagkakasakit ng mga OFW hanggang sa tuluyang malutas ang kanilang mga problema.

PAMILYA OFW

Kung pupwede, kahilingan na rin nating silipin ng pamahalaan ang kalagayan ng mga apektadong pamilya-OFW. Tiyak ding may nakaranas ng gutom, paghihirap at pagkakasakit.

Ang mga bata na nag-aaral at ang kawalan ng trabaho na madaratnan ng mga uuwi.

Sa kanilang pagkakaempleyo sa abroad, nakapagko-contribute ang mga ito ng bahagi ng $25-bilyon taon-taong padala ng kabuuang bilang ng mga OFW.

Masuklian man lang natin sila ng pag-aasikaso ay malaking bagay na.

PANGAKO AT ENDO

Batay sa mga programa ng bagong pamahalaan, may pangako ito sa sambayanan at walang iba kundi ang pagbabago.

Kung uugatin ang paglayas ng milyon-milyong Filipino para lang makipagsapalaran sa ibang bansa, lalabas ang nakatatakot na kalagayan.

Isang kalagayan ang mabilis na paglaganap ng patakarang End of Contract sa milyon-milyong manggagawa.

Sino ang mabubuhay at sino ang makabubuhay ng pamilya sa limang buwan lang na pagkakaroon ng trabaho at uubusin ng obrero ang nalalabing mga buwan sa paghahanap ng trabaho na ENDO rin ang ending?

Ngayon ay bubuwagin na ang ENDO na isang napakalaking pagsasamantala sa mga manggagawa.

DROGA AT OFW

Malaking tulong din sa mga OFW, sa lahat ng mga pamilyang OFW sa totoo lang, ang mabangis na laban ng pamahalaang Duterte sa droga.

Dapat na kilalanin ng kahit sino na ang kabilang sa mga nangungunang biktima ng mga druglord at ang kanilang mga protector ang OFW families.

Sa sumbong ng ating Uzi, paboritong bingwitin ng mga nasa droga ang mga naiiwang ama o ina at anak ng mga OFW dahil may pambili ang mga ito.

Ang daming pamilya-OFW ang nasisira sa droga at ngayon, sana huhupa ang pagsira sa mga pamilyang ito ng mga anak ng tipaklong na sangkot sa droga.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>