SA unang pagkakataon ay nasaksihan sa Palasyo kung paano ang mga dating Pangulong bansa ay sama-samang pinulong ng incumbent President upang marinig ang kanilang mga suhestiyon kaugnay sa isyung pambansang seguridad ng Pinas.
Sa totoo lang, ginawan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nagawa ng mga nagdaang Presidente, mula kay Macoy, Tita Cory, Tabako, Erap GMA at Noynoy.
In-short, gustong patunayan niDigong sa buong mundo na kanyang isinasagawa at hindi sinasalita lamang ang pagnanais na pag-isahin, pagsama-samahin at bigkisin ang bansa tungo sa “tamang daan.”
Kumbaga, anomang aberya sa ilalim ng kanyang administrasyon, gaya ng ginawa ni Dept. of Transportation Sec. Tugade ay handa niyang akuin agad ang responsibilidad sa halip na ibunton ang sisi sa kanyang predecessor!
At sa anomang tagumpay namakakamit ay hindi siya “hangol” (ganid) para solohin ang papuri, bagkus, sa ipinakita noong nagdaang National Security meeting ay para bang inamin na ni Digong na ito ay produktong kolektibong ideya!
Alin, kung noong panahon ni Marcos? Sa halip na pag-isahin ang bansa ay ginamitan pa ito ng taktikang “divide and conquer” para lalong tumagal sa pwesto! King-ina!
Si Tita Cory? Abala ang “sabik” n’yang mga kampon sa pag-sequester sa lahat ng ari-arian na maaaring kamkamin . . . na kalimitan ay para sa kanilang sariling kapakinabangan!
Si FVR? Hindi ba’t binansagan nga siyang Fidel “Viajero” Ramos dahil sa hilig nitong ikutin ang sandaigdigan! Talo pa sina Christopher Columbus at Ferdinand Magellan! Hek, hek, hek!
Si GMA? Minimize your greed! Wala rin, dahil karamihan, parekoy, sa perang nakulimbat ay naibaon sa hukay ni Jose Pidal! Hak, hak, hak!
Pero sa usapin ng pakikipagkaisa sa mga nagdaang Pangulo, ang pinakamatindi sa kanilang lahat ay ang “Tuwid na Daan.”
Aba eh, simula sa unang araw sa Palasyo, hanggang sa paglisan ay walang inatupag kundi habulin ang mga politikong hindi dilawan!
At sa tuwing may aberya, kahit nilulumot na siya sa Malakanyang ay isinisisi pa rin sa kanyang pinalitang administrasyon! Pwe!
Ang pinakamasakit, doon, parekoy, sa ginanap ni Duterte na pagtitipon ng mga “ex” ay ni hindi talaga kinamayan ni Noynoy ang kanyang predecessor na si GMA.
Kahit man lang pakitang-tao, pakitang-gentleman o pakitang-sibilisado!
Eh, ano ang maitatawag mo roon?
‘Yun na! Hak, hak, hak! BURDADO/JUN BRIONES