Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DRUG TEST SA VALENZUELA CITY NAPAPANAHON

$
0
0

KAMAKAILAN lamang ay ipinag-utos ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pagkakaroon ng mandatory drug test sa lahat ng empleyado ng city hall at kung sinoman ang mapatutunayang gumagamit ng iligal na droga ay posibleng matanggal sa trabaho.

Ang hakbang na ito ni Mayor Gatchalian ay bilang tugon sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang lahat ng hanay sa masamang bisyo, partikular na ang paggamit na iligal na droga.

Mismong si Mayor Gatchalian ang unang sumalang sa drug test nitong July 25 at sinundan ito ng iba pang halal na opisyal ng lokal na pamahalaan at matapos ang mga ito ay sumunod na rin ang iba pang mga empleyado.

Patuloy rin ang kampanya ni Gatchalian laban sa iligal na droga at hanggang ngayon ay sinisikap ng kapulisan na hulihin ang lahat ng personalidad na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga.

Katunayan nito, ang pagkasawi ng isang Chinese druglord sa katauhan ni Mico Tan matapos itong magtangkang tumakas at manlaban sa mga arresting officer sa Brgy. Lingunan, Valenzuela City at pagkakaaresto sa apat pa nitong kalahi at pagkakumpiska sa milyon-milyong halaga ng shabu bukod pa sa pagkakatuklas sa mga kemikal na sangkap sa paggawa ng naturang droga.

Pinag-aaralan na rin ng lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng local ID system na layuning makabuo ng database para sa mga dayuhang namumuhunan sa lungsod na pagkukunan ng impormasyon sa mga negosyante sa Valenzuela City.

Higit ding naging aktibo ang Valenzuela Anti-Drug Abuse Council (VADAC) at maging ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) upang lalo pang mapalakas ang kampanya laban sa iligal na droga.

Patuloy rin ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa mga opisyal ng 33 barangay sa lungsod upang matukoy ang mga personalidad na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga at sa dagliang pagkakaaresto sa mga ito.

Bukod sa mga hakbang na ito ay nagpaplano rin ang lokal na pamahalaan kung paano matutulungan ang mga taong nagsisuko at umaming sangkot sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pagkakakitaan sa mga ito.

Dahil sa mga inisyatibong ito ni Mayor Gatchalian ay tiyak na darating ang panahon na mauubos na ang mga taong sangkot sa iligal na droga at tuluyan na ring magiging malinis ang lahat ng hanay sa lungsod. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>