BASAHIN natin, mga tsong, ang isang text message sa atin na nagsusumbong ng kikilan o extortion sa mga utility vehicle may biyaheng Cubao-Parang-SSS-Marikina.
Nagpapanggap pang pulis ang isang gagong isa lang na barker.
Hindi kaya pupwedeng isama ang extortion gang dito sa mga sangkot sa droga na ngayo’y araw-araw na itinutumba?
Heto ang mensahe ng text.
Dear Mr.Johnny Magalona, mamaya, may ite-text po ako sa inyo.
Duterte na pero may “kotong o ekstorsyon” pa ring nagaganap dito sa Gateway, Aurora, Cubao sa pamamagitan ng isang nagpanggap na pulis ngunit “barker” lang pala.
Ang pangalan niya ay Jerom at kasa-kasabwat niya sa ginagawa niyang pangongotong ang mga sekyu ng Security Starline Agency na naka-assign sa Gateway-Cubao.
‘Di ba bawal ‘yan dahil malinaw na isang ekstorsyon ang ginagawa nitong si Jerom at ang mga sekyu?
Tinatrapik ni Jerom ang mga daanan ng UV express na may biyahe o linyang Parang-SSS-Marikina sabay hingi ng tong para raw sa mga kagawad ng Security Starline o ‘yung mga blue guard na naka-duty sa lugar.
Sir Johnny, ‘di po ba bawal na ngayon ‘yun sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte?
Pero patuloy pa rin nilang hinaharas ang mga driver ng UV na kapag hindi naglagay ay hindi sila pararaanin sa Gateway-Cubao.
Sana po, Sir Johnny, matigil na ang ginagawa nilang pangongotong sa nasabing mall para naman kahit papaano ay makahinga nang maluwag ang mga driver ng UV.
Salamat po.
KOTONG ANG INAATUPAG
Sa Dolores, Quezon ay lantaran ang peryahan nitong si Alex sa kabila ng front ito ng iligal na pasugalan pero nakatunganga lang ang kapulisan.
E, paano hindi tutunganga ang kapulisan sa Dolores kung ang inaatupag nila ay ang lingguhang timbre mula kay Alex.
***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA