TALAMAK pa rin daw ang bentahan ng drugs sa Urban Lupang Pangako sa Payatas, Quezon City at halos walang takot daw ang mga nagtutulak ng illegal drugs sa nasabing lugar dahil walang ipinagmamalaki ang mga ito kundi ang Karingal at Sikatuna.
Kung totoo man o hindi ang impormasyon na ito, dapat ay imbestigahan mabuti ito ni QCPD Director S/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar dahil sa nakasisira ito sa kanyang magandang liderato na sinimulan sa nasabing lungsod.
Basahin natin ang nilalaman ng impormasyon:
Gud pm, Mr.Juan de Sabog. Nais po sana naming ipagbigay-alam ang talamak na bentahan ng drugs sa Urban Lupang Pangako Payatas B, Quezon City. Tila wala po silang takot magbenta sa tapat pa po mismo ng simbahan ng Lupang Pangako.
Wala kasing bukambibig nila kundi malakas sila sa Camp Karingal at Sikatuna dahil ang lahat daw ng mga pulis doon ay namamantikahan ng kanilang negsoyo. Sana po mabigyan sila ng pansin at ito po ang mga tagabenta: Eden Bakla, Juan Bakla, Bebe Pato, Intan at ang landmark po para makita ang mga ito ay ang De Paul Day Care Center.
Diyan n’yo po sila makikita at sa Ph1 covered court sa gabi po sila gumagalaw. Sana maaksyunan ito ng pulisya ng Quezon City.
Hindi po namin alam kung sino po ang kanilang kinukunan ng tobats dahil ang alam po namin sila ‘yung mga nagbebenta. ‘Yun lang ang tanging nalalaman namin sa nakukuha naming report sa aming source .
Malakas sila sa Camp Karingal at Sikatuna pero ang protektor nila, ‘di po namin ma-trace. Sa pagkakaalam namin, mga pulis din po pero hind namin kilala kung anong name ng mga ito.
Akala namin, Sir Juan, titigil na sila kasi bago na ‘yung C0 at PCP ng Station 6 pero mas lalo pong naging talamak ang bentahan ng illegal drugs.
Sana, sir, ‘wag nang i-publish ‘yung number ko. Salamat
BOOKIES SA BATANGAS, ‘DI MAPATIGIL
Habang abala ang pamahalaang lokal ng lalawigan ng Batangas sa kampanya laban sa operasyon ng iligal bookies ng Small Town Lottery (STL) ay patuloy naman sa pamamayagpag ang bookies nitong si Kap. Bening sa Batangas City.
Maging ang bookies ng STL ni Mario sa Tanauan ay tanaw na tanaw mula sa munisipyo ng Tanauan, Batangas.
Kumilos naman kayo, Batangas Gov. Hermilando Mandanas, bago maisama ang pangalan ninyo na isa sa mga may tongpats sa bookies.
***
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
