Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MALAPIT-LAPIT NA

$
0
0

AFTER 20 years, nangyari na rin!

Sobrang proud nating lahat, ang saya-saya ng bawat isang Pinoy.

Pagkatapos nga naman ng mahabang panahon, nakakuha na ulit tayo ng sports medal na handog sa bansa ni Hidilyn Diaz, ang weightlifter na taga-Zamboanga na nakasungkit ng silver medal sa Olympics na ginaganap sa Rio de Janeiro sa Brazil.

Sa pagwagayway ng Philippine flag sa Rio de Janeiro, lahat halos ng nanood na Pinoy ay naluha. Napakalaking karangalan.

Napakalaking mensahe ang hatid ng pagkapanalo na ito ni Hidilyn sa Olympics. Noong nanalo ang ating boxer na si Mansueto “Onyok” Velasco ng silver medal sa Atlanta Olympics 20 years ago, nabuhay ang ating pag-asa na makakuha ng mga medalya sa Olympics dahil sa inspirasyon ni Onyok na na-isyu pa na dapat ay gold ang napanalunan niya.

Pero ang tagal nga bago nasundan pa ito ni Hidilyn Diaz. Gayunman, para sa akin, ngayon ay malapit-lapit na, nararamdaman ko na mas makakukuha pa tayo ng mga medalya sa mga susunod na Olympics.

Noon pa man ay nag-suggest na tayo sa pamamagitan ng ating kolum at pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas na sana ay mag-lobby tayo na mapasama sa mga sports sa Olympics ang mga larangan kung saan tayo magaling tulad na nga ng billiards o bowling o maging sa beach volleyball.

Kung kasama ang mga sports na ito, ang dami na nating mga medal. Akalain mo na ang sports na bowling ay panahon pa ni Emilio Aguinaldo.

Parang kasama na sa ating kultura ang bowling at nakita naman natin kung paanong kaya nating makipagtapatan sa kahit kanino sa ibang bansa sa larangan din ng billiards.

Kaya parang maganda talaga ang opening na ginawa ni Hidilyn. Mas magiging matapang lumaban ang Pinoy, mas motivated, mas inspired.

Parang ang mensahe ni Hidilyn ay kaya nating lahat. Parang ginto na nga ang napanalunan ni Hidilyn Diaz dahil sa laki ng inspirasyon na naibigay niya para sa buong bansa.

Congratulations sa iyo, Hidilyn, mabuhay ka! Maraming salamat sa bigay mong ligaya sa aming lahat. Pagpalain ka ng Poong Maykapal. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>