Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GIYERA PATANI NG MGA ATORNI AT PAMBANSANG DEKLARASYON

$
0
0

PINAG-AWAYAN ng mga abogado ang salitang ‘state of lawlessness’ na pinairal ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng deadly bombing sa Davao City na ikinamatay ng maraming tao at ikinasugat ng mas marami pang iba.

Sa huli, itinama na rin ng Malakanyang sa probisyon ng 1987 Constitution ang salita sa “state of lawless violence.”

Doon na humupa ang giyera patani ng mga abogado na higit na nalulong sa salita kaysa tingnan ang katotohanan na may naganap na nakakikilabot na pangyayari na dapat harapin ng lahat, lalo na ang pamahalaan na may pangunahing tungkulin na pagsilbihan at protektahan ang taumbayan.

GUTAY NA KATAWAN NAGSILIPARAN

Sa paglalarawan ng mga nakasaksi sa pangyayari, nagsiliparan ang mga katawan at bahagi ng katawan ng mga biktima makaraang sumabog ang malakas na bomba na itinanim umano ng dalawang babae at lalaki sa gitna ng maraming tao, lalo na sa lugar na nagaganap ang pagmasahe sa mga may karamdaman.

Tiyak namang may nabulag, nawalan ng kamay o paa, nalumpo at iba pa sa mga grabeng nasugatan. Pawang mga inosenteng mamamayan ang mga pininsala.

Kung silang mga abogado na nag-away-away ukol sa mga salitang “state of lawlesseness” at “state of lawless violence” kaya ang nabomba, namatay, nagutay, nabulag at nalumpo, anong tamang salita kaya ang kanilang pagkakapitan para makamit ang katarungan, kaayusan at kapayapaan?

At kung kayong mga abogado ang hahanapan ng solusyon ng taumbayan laban sa ganitong gawain ng mga walang kaluluwa na pumipinsala sa mga inosenteng mamamayan, ano-ano ang mga gagawin ninyong hakbang?

Hamon po ‘yan sa inyo, your honors.

MGA BUNGA

Kamakalawa ng madaling araw, nakasabat ang mga pulis sa Brgy. Pulang Lupa, C-5 Extns., Las Piñas City ng sasakyang hindi nila inakalang naglalaman ng isang taong pa-tay na at nakabalot ang mukha ng masking tape at tinamnan ng mga karatulang “tulak ako, magnanakaw, huwag tularan.”

Hindi tumigil sa checkpoint ang sasakyan na hawak ng tatlong tao at sa halip ay nakipagbarilan ang mga ito sa mga pulis.

Natural, mga Bro, na nag-react ang mga pulis hanggang sa mapatay nila ang tatlong may dala-dalang bangkay para siguro itapon sa kung saan-saan.

Ayon sa mga pulis, ang kanilang pag-checkpoint ay bahagi ng “state of lawless violence o state of lawlessness” na idineklara ni Pangulong Digong para sa buong bansa habang inaalam ng mga awtoridad ang puno’t dulo ng Davao bombing.

Ano kaya ang masasabi ng mga abogado, PNP chief Gen. Ronald dela Rosa at S/Supt. Jemar Modequillo, na nagpapagalingan ng diskusyon ukol sa nasabing mga salita?

SA PARAÑAQUE

Sa Parañaque City, nagtayo ng checkpoint ang mga pulis malapit lang sa isang grocery store bilang bahagi ng nasabing deklarasyon ni Pang. Digong.

Anak ng tokwa, ang grocery store pa ang hinoldap ng dalawang tarantado na may baong mga shabu at armas na baril.

Kasunod siyempre rito ang pagresponde ng mga pulis at nagsagupa ang mga pulis at mga holdaper.

Ulat ni Deputy Chief for Investigation S/Insp. Allan Abaquita na napatay ng mga pulis ang isa sa holdaper na si Freddie Palacay pero nakatakas ang kasamahan nito.

Napatay rin ng mga holdaper si S/Insp. Nelson Pagaduan.

Mga atorni, ano po ang masasabi ninyo rito?

ATAKE SA PANGULO

Kung pag-aaralan ang Davao City bombing, maituturing na atake sa Pangulo ng bansa ang gawang ito.

Naroon lang sa paligid si Pang. Digong nang maganap ang pambo-bomba at parang pagpaparamdam kundi man direktang pag-atake sa kanya ang pambobomba.

Umamin ang Abu Sayyaf na sila ang may kagagawan dahil sa total war na idineklara sa kanila ng pamahalaan.

Hindi rin malayong kagagawan ito ng mga druglord gaya ng ginagawa ng mga druglord sa Mexico at Colombia na gusto nilang pagpapatayin ang mga hindi sumusuko sa kanila na kanilang mga Pangulo ng bansa.

Posible ring may ibang may kagagawan dahil sa ibang motibo. Pero bakit noong nasa Davao ang Pangulo naroon lang sa malapit, eh, saka isinagawa ang pambobomba?

PAMBANSANG DEKLARASYON

May ligal na basehan ang deklarasyon na maging pambansa, lalo na kung ang mga Abu Sayyaf at druglord ang may kagagawan ng pambobomba.

Ito’y dahil sa may kakayanan ang dalawang grupong ito na magsagawa ng pambobomba, gayundin na pupwedeng gumala ang mga ito kahit saang sulok ng mahal kong Pinas.

Ipagpalagay nang hindi ang Pangulo ang target ngunit gawa pa rin ng mga Abu Sayyaf at druglord ang nasabing uri ng pagpatay, paano naman ang ibang mamamayan na posibleng magiging biktima ng panibagong pag-atake ng mga ito?

Ang tanong ngayon: paano kung mahuli ang mga gumawa ng pambobomba?

Ano-ano kaya ang isasagot ng mga atorni, isama na sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Sen. Atty. Leila de Lima?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>