Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

12,000 PULIS SA DROGA AT MAMAMAYAN VS DROGA

$
0
0

HINDI natin gaanong maintindihan kung bakit hindi kinalos kaagad kundi inilipat lang sa ibang mga lugar at assignment ang nasa 12,000 pulis na umano’y sangkot sa droga.

Basta ang nasasabi lang ng pamunuan ng Philippine National Police ay hindi na sila basta makakilos para ipagpapatuloy ang kanilang pagkakasangkot sa droga.

Tiyak namang kabilang sa mga ito ang halos 200 nang pinadala sa Mindanao upang maging pantugis sa mga terorista.

KAIBA SA HULI SA AKTO

Mayroong pagkakaiba umano ang mga pulis na ito sa mga pulis na natagpuang gumagamit mismo ng droga.

Makaraan ang confirmatory test o pinal na examinasyon sa drug test sa mga ito, kakasuhan na sila para masibak na nang tuluyan sa pulisya.

Tanggal na rin ang lahat ng kanilang mga inaasahan na sahod at benepisyo mula sa pamahalaan at maaaring mabilanggo pa sila.

Inaasahan ding madidisarmahan na nang tuluyan ang mga ito at makukumpiskahan ng mga lisensyado at ‘di lisensyadong baril na personal upang hindi magamit ang mga ito sa paggawa ng krimen.

Kasama na rin dito ang mga napatutunayang talagang druglord, pusher at protektor na mga pulis na dapat talang masibak sa tungkulin.

PABAYA, NAKASIPER

Sa ating pagtatanong-tanong kung bakit naging maluwag ang pamunuan ng PNP sa nasa 12,000 pulis na sangkot sa droga, kasama pala rito ang mga naging badigard ng mga pulitiko at iba pang opisyal ng bayan na sangkot sa droga na nasa listahan ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Hindi lang sila makakilos laban sa kanilang mga “amo” sa takot na itapon sila sa kangkungan, marami sa mga opisyal ng bayan ang maiimpluwensiya.

Mayroon ding mga tahimik na lang sa pinaggagagawa ng mga kapwa nila pulis.

Nakasiper ang kanilang mga bunganga at ngayon na lang sila nagbubukas ng bunganga at nagsusumbong ngunit palihim pa para hindi sila resbakan.

Mayroon ding mahihina sa intelligence o walang pakialam na pulis at hindi man lang maamoy ang mga nagdodroga sa paligid o loob ng kanilang mga tahanan o istasyon.

KAMAG-ANAK

Mayroon namang may mga kamag-anak narco-politician kaya hindi makagawa ng sumbong o aksyon dahil nga sa relasyon nila sa mga narco-politician.

Mayroon ding may mga miyembro ng pamilya o kapitbahay o kaibigan na alam nilang sangkot o lulong sa droga ngunit dahil sa relasyong magkakamag-anak, magkakapitbahay at magkakaibigan, hindi na lang sila kumibo o kumilos para makulong ang mga ito.

Malaking bilang sa 12,000 pulis ang maituruting na pabaya sa kanilang tungkulin at may sadyang hindi gumampan ng tungkulin dahil sa relasyon nila sa mga sangkot sa droga.

HINDI NAKAPAGTATAKA

Kung iisipin, dahil sa kalagayan ng 12,000 pulis at ang mga tahasang sangkot sa droga, hindi talaga nakapagtataka na nasa 3.7-milyon ang nagiging biktima ng droga sa buong bansa.

Halos lahat tuloy ng 42,000 barangay ay apektado o may malaking bilang ng mga residente na adik, pusher, druglord, protektor at narco-politician.

Sa Quezon City nga lang, sino ang mag-aakalang maraming kapitan, kagawad at tanod ang user mismo?

Kung umikot ka sa Metro Manila hanggang sa mga karatig-lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon, grabe ang droga sa mga ito.

Pagpunta mo naman sa Cebu hanggang Mindanao, grabe rin. At mula sa kabundukan ng Cordillera hanggang sa ibaba sa Ilocos region at Cagayan Valley, laganap din ito.

At umaabot ang droga maging sa mga liblib na lugar na dati-rati naman, eh, hindi maabot-abot ng shabu.

MARAMI PA ANG MAMAMATAY

Mismong si Pang. Digong ang nagsasabing marami pa ang mamamatay dahil sa droga.

Hangga’t hindi nakakalkal ang lungga ng nasa tatlong-milyon pang nakalawit ng droga, naririyan ang tuloy-tuloy na giyera.

Hangga’t hindi rin nasisibak sa tungkulin ang mga narco-politician at nakukulong at napapatay ang mga druglord at protektor ng mga ito, mananatiling madugo ang giyera.

Hangga’t parang anay ang droga sa hanay ng mga piskal at judge, magiging walang katapusan ang droga.

Maging sa hanay ng mga 12,000 pulis at iba pang pulis na sangkot sa droga, hindi rin huhupa ang droga at maaaring manggaling pa rito ang pinakamatinding giyera dahil armado ang mga ito.

Ang pag-asa ng pamahalaan ay ang mga mamamayan.

Paano kaya magising ang diwa ng mga mamamayan upang makilahod laban sa droga?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Conejos para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Sapos para colorear


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>