Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ABUSADO AT BALASUBAS NA MINERO KAKALUSIN NI DUTERTE

$
0
0

MALAPIT nang magwakas ang patuloy na paninira ng mga nagmimina sa ating kalikasan dahil na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakalusin ang mga abusado at balasubas na minero sa lahat ng panig ng ating bansa.

Matatandaang kamakailan ay ipinag-utos ni Duterte kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Gina Lopez na muling siyasatin ang permit ng lahat ng minahan sa Pilipinas.

Sakali mang may makitang paglabag ay hindi mangingimi ang DENR na ipasara ang mga ito, lalo na iyong mga sumisira sa ating likas na yaman at walang habas sa pagkuha ng mina kapalit ng malaking halaga ng salapi.

Bukod dito, pinasisilip din ni Pangulong Digong kung tama ba ang ibinabayad na buwis ng mga nagmimina dahil may ilang minero ang hindi nagdedeklara ng kanilang totoong kinita sa kanilang pagmimina.

May mungkahi rin na alamin kung tama ba ang kinuhang permit ng mga nagmimina dahil ang iba sa mga ito ay small scale mining permit lamang ang kinuha pero kung titignang mabuti ay mas marami pa sa dapat na mina ang kinukuha ng mga ito.

Ang kautusan na ito ni Duterte ay bilang tugon na rin sa panawagan na pangangalaga sa kalikasan dahil na rin sa iba’t ibang trahedya na nararanasan ng bansa dahil sa pagkasira ng ating kapaligiran.

Marami kasi sa mga nagmimina sa ating bansa ang walang pakundangan kung paano sirain ang kabundukan makakuha lamang sila ng kanilang hinahanap na mina at magkamal ng malaking halaga ng salapi.

Kahit na may batas na umiiral sa ating bansa tungkol sa pagmimina ay hindi naman ito sinusunod ng ilang ganid sa malaking kikitain.

Kung ipatutupad nang maayos ang batas na ito ay tiyak na mapangangalagaan natin ang ating kalikasan para naman may maabutan pang magagandang tanawin ang susunod na salinlahi.

Hangad nating maging matagumpay ang kampanya ni Secretary Lopez sa pangangalaga sa kalikasan at nawa’y masampahan nito ng kaukulang kaso ang mga mapatutunayang lumalabag sa umiiral na batas. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>