KASALUKUYAN daw na minamatyagan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mga galaw at kilos ng mga kilalang durugistang taga-showbiz (artista) at ang kaugnayan nila sa illegal drugs sa industriya ng showbiz.
Napag-alaman natin mula source sa PNP-Anti-Illegal Drugs Group na nagsabi na may mga listahan na sila ng kilalang mga personalidad sa showbiz na drug users.
Ayon pa sa source, may mga pangalan na rin ang mga kilalang artistang nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.
Kabilang sa mga artistang babae na idinadawit na bumabatak ng iligal na droga gaya ng ectasy at heroin (hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito) ay may mga inisyal na AC, MA, CB, MS at Maritoni Fernandez na kamakailan lang ay napatay ang kapatid nitong si Aurora Moynihan.
Samantala, sa mga artistang lalaki naman na patuloy na minamatyagan ng pulisya ay may mga inisyal na WM, NM, JR, TY, RG, VG, MS, Hero Bautista na kamakailan lang ay kusang sumuko at nagbitiw na konsehal ng Quezon City at marami pang iba.
Ayon pa source, bagama’t hilaw pa ang impormasyon, tiniyak naman nito na patuloy nilang mino-monitor ang mga kilos ng mga ito at hindi magtatagal ay isa-isa nang mahuhubaran ng maskara ang mga ito.
Walang sasantuhin ang drug enforcement, kahit sikat pa silang indibidwal o may mga “padrino”, kung sangkot o nadadawit din lang ang pangalan nila sa illegal drugs ay paghuhuliin din ang mga ito .
Kaya kayong celebrities o artista na sangkot o dawit sa illegal drugs o trading, habang maaga pa, ay sumuko na kayo sa kinauukulan para hindi kayo mapahiya kapag kayo’y inaresto.
SI MAYOR ANG IPINANGANGAHAS
‘Yung baklayan o saklaan sa Padre Garcia, Batangas na pinatatakbo nina Kapitan Tisoy, Kap. Boyet, Kap. Dolo, Kap. Aldo at dalawa pang kapitan na mga bata ni Mayor Michael Angelo Rivera ay kinukunsinti umano ng huli dahil sa pawang mga diehard na bontante nito.
Maging ang hepe ng Padre Garcia na si C/Inps. Roland Aniwasal ay tila binilinan ng kunsintidor na mayor ng nasabing bayan.
Bukod sa baklay ay kinukunsinti rin umano ni mayor ang bookies ng Small Town Lottery (STL) ng bilas nitong si Nonit sa nasabing bayan.
***
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09182974764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA