UMARANGKADA na ang “online petition” at “house-to-house campaign” para makakuha ng isang milyong lagdang nagsasabing nararapat at karapat-dapat nang ilibing si Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City.
Ang online petition ay makikita sa www.change.org na pinasimulan ng mga mag-aaral at batang propesyunal noong Setyembre 6.
Ganito ang nakasaad sa petisyon: “We do not ask you to change what you know of him, or how you remember him, or seek praise for his deeds. Good or evil, good and evil, how you judge former President Ferdinand Marcos, is your personal belief.”
“One thing we cannot deny is that he was once a president of the Republic of the Philippines, a former secretary of defense, and a soldier, entitling him, by decree, pursuant to AFP (Armed Forces of the Philippines) Regulation No. G161-137, to be buried at Libingan ng mga Bayani,” pangungumbinsi ng mga nagpapalagda sa taumbayan.
Hayaan ninyong ipabasa ko sa inyo ang mga simple, ngunit substansiyal na argumento ng mga Pilipino na naghahangad nang mailibing ang mga labi ni Marcos sa LNMB.
Sabi ni Aida Borromeo ng Quezon City: “It’s already long overdue. Lay him to rest.”
“I believe my grandfather and other relatives who witnessed the governance of the late President Marcos. I was deceived by books filled with lies about the Marcoses,” saad naman ni Almi Cadlum, manggagawa sa Doha, Qatar.
Binatikos naman ni Noel Calixto (dating alalay ni Marcos) ang desisyon ng Korte Suprema na patagalin pa ang pagpapalibing kay Marcos.
Ang totoo, napakaraming Pilipino na gustong-gusto nang ilibing si Marcos sa LNMB kumpara sa maliit na bilang ng hindi payag na ilibing si Marcos sa nasabing himlayan.
Naniniwala akong makukuha ang 1-milyong lagda bago matapos ang pagdinig sa Korte Suprema dahil nga sa maraming Pilipino ang hangad ay matapos na ang isyu sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB.
Ang paglulunsad ng signature campaign ay isang magandang aksiyon para maipakita na tama at napapanahon ang panawagang “ilibing na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani” para matuldukan na rin ang bangayan sa nasabing isyu.
Uulitin lang natin, si Marcos ay dating pangulo at sundalo, kaya nararapat lang siyang ilibing sa LNMB. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA
