Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LEVEL-UP NA MGA MEDIA?

$
0
0

WOW, ha.

Sumisikat na sa social media ang mga kilalang media reporter ng higanteng networks (daw) sa bansa natin.

Bakit nga hindi, eh, dolyar na pala ang kita nila. Big-time naman kayo.

Ilan sa media personality na reporter hindi lang sa radyo at telebisyon kundi ilan din sa pahayagan ay nakarekta na sa foreign media at doon, nagyayabang pa sila sa isa’t isa dahil naglabasan ang mga video interview at isinulat ng mga ito sa mga dayuhang media pipol.

Ang New York Times, Times Magazine, ABC News at marami pa ang nagkokopyahan ng istorya na ang laman ay tungkol kay Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE at ang nagaganap daw na patayan sa ating bansa.

Maski nga ang mga bansa na kasapi ng European Union ay umatake na rin dahil sa lantaran daw na paglabag ng administrasyong DUTERTE sa human rights at extrajudicial killings (EJK).

Ang matindi lang, hindi nila ibinabalita na ang mga napapatay ay pawang mga sangkot sa iligal na droga na kriminal din ang trabaho.

Nang maglabasan ang mga balita sa foreign media, hayun na, congratulations na sila sa isa’t isa, lalo na ‘yung sa Times Magazine tungkol sa testigong bayaran ni senadora Leila de Lima.

Bakit nga hindi?

Ang inilabas lang ay ‘yung kwentong pabor sa kanila ng isang peke na CAFGU, DDS, POLICE at Gun-For-Hire raw noon ni Pangulong RODY.

Ilan daw sa pinatay nila ay ang mga security officer ni dating House Speaker Prospero Nograles na ikinahulog ng huli sa kanyang silya!!!

Natural, nagalit si Neggie dahil wala nga raw namatay o kahit nasugatan sa kanyang mga security kahit magkaaway pa noon sila sa pulitika ni KA DIGONG.

Akala siguro ng mga hindoropot na local media natin ang sinisira nila ay si Pangulong DUTERTE.

Hindi, mga animal kayo!

Ang sinisira ninyo ay ang lahat na Filipino at ang nag-iisang Republika ng Pilipinas. Inilagay ninyo sa madilim na pedestal ang bansa natin.

Sinoman ang makabasa ng inyong gunggong na istorya ay maniniwala na pabaya, luno, walang ginagawa ang mamamayan at aprub lang sa atin ang patayan kaliwa’t kanan.

Ipinagtatangghol ninyo ang mga iligalista at kriminal?

Sino ang gusto ninyong mamatay, mga inosenteng sibilyan katulad noong nagdaan na inutil na administrasyong dilawan?

Kung sabagay, baka nga rati na kayong sumusuweldo sa dilaw na partido pero okay rin kayo ngayong mga taksil na media?

Level-up kayo dahil dolyar na ang kita ninyo?

Mga demonyo kayo!!! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes