Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HIT AND RUN NI CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES SA COMELEC

$
0
0

burdado- jun brionesLALAYAS na raw sa Commission on Elections si Chairman Sixto Brillantes. Ito ay dahil sa tinamong sunod-sunod na dagok mula sa Supreme Court kaugnay sa kanilang mga desisyon.

Nasusura tayo, parekoy, dahil kung umepal sa media itong si Mang Sixto akala mo ay hindi abogado. May paluha-luha pa! Pwe! Inakusahan pa niya ang SC na siya nang nagpapatakbo ng eleksyon sa bansa.

Alam mo naman po, Mang Sixto, na ayon sa batas, walang karapatan ang Korte Suprema na makialam sa kahit anong isyu maliban kung ito ay idinulog sa kanila!

In-short, kaya nakikialam ang SC ay  dahil may  dumulog sa kanila.

At kaya naman may nagbitbit ng mga isyung may kaugnayan sa Comelec ay dahil may mga tao o grupo na nakasilip ng mali sa mga pinaggagagawa ninyo!

Ang gusto pala ni Mang Sixto, parekoy, ay magmistulang diktador, na kahit anong gawin nila sa Comelec ay tikom-bibig at pikit-matang susunod ang lahat ng nilalang!

At maging ang Kataas-taasang Hukuman ay mananahimik kahit may magreklamo!

Team Patay, Team Buhay:

Kaya dumulog sa SC ang simbahang Katoliko ay dahil ang napakalaking karatula na kanilang inilatag sa loob ng kanilang pag-aari ay naglalaman ng “facts” kung sino-sino ang sumuporta noon sa RH at kung sino-sino ang mga kumontra nito!

Ano  nga  naman  ang  bawal o masama sa katotohanan?

Partylist issue:

Kaya dumulog sa SC ang mahigit 40 partylist, eh, dahil sa mga napaulat na kotongan ng lang Commissioner diyan sa Comelec.

Kaagad nilang iniligwak ang ayaw magbigay at ang ginamit nilang dahilan ay ang “track record.”

Kailan nga ba naman naging trabaho ng Comelec ang bumusisi sa track record?

Imus, Cavite issue:

Kaya dumulog sa SC ang mga abogado ni Maliksi ay dahil kumopya noon ang Comelec 1st Division ng mga ebidensya na hindi man lang ipinaalam sa magkabilang partido.

Kaya iniutos ng Hukuman na rebisahin ito ng Comelec at bigyan si Maliksi ng “due process of law.”

Hindi ba’t karapatan ng bawat tao na mabigyan ng tinatawag na due process of law?

Kung ayaw ng Comelec na dagukan sila ng SC ay huwag gumawa ng mga desisyong palpak at puro kabobohan!

O, baka naman totoo ang sabi ni Korina Sanchez na kumita na si Mang Sixto sa deal ng “Smartmatic” kaya gusto na nitong lumayas sa Comelec?

Aha, “hit and run” ha!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tagalog Movie Hugot Lines


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>