Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAPAANO NA KAYA TAYO?

$
0
0

by the squareHINDI kaya maiwan na tayo sa balag ng alanganin ngayon na mukhang nagkakasundo na ang People’s Republic of China o Pulahang Tsina at Kapitalistang United States kaugnay ng krisis sa Korean peninsula?

Matatandaan na nangako ang Kapitalistang U.S. ng tulong upang mapalakas ang ating hukbong dagat matapos angkinin ng Pulahang Tsina ang Panatag Reef nitong nagdaang taon.

Naging panay na rin ang pagbisita ng mga barkong pandigma ng Amerika sa ating mga daungan mula noon.

Pero ngayon na mukhang nagkakamabutihan na ang Pulahang Tsina at Kapitalistang U.S ay tuloy pa rin kaya ang dating ng tulong na inaasahan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III mula sa kanyang padrong bansa?

Hindi ko maiwasang tanungin ito sapagkat kitang-kita naman natin na medyo kinakabahan ang Kapitalistang U.S., Japan at South Korea sa ikinikilos ng North Korea.

Matatandaan natin na kamakailan lamang ay nakumpirma ng mga awtoridad ng Amerikano na may kakayahang nukleyar ang North Korea. Ang lakas na ito ng North Korea ay banta sa bilyong dolyar na interes ng Kapitalistang U.S. sa South Korea at Japan.

Kailangan ng Amerika ang Pulahang Tsina upang masolusyunan ang sinasabing panggugulo ng North Korea sa rehiyon. Ang Pulahang Tsina ang tanging kakamping bansa ng North Korea sa ngayon. Bukod pa sa pangangailangang panseguridad ay alam naman ng lahat na malaki ang utang ng Kapitalistang U.S. sa Pulahang Tsina. Hindi malayo na batay sa senaryong ito ay mailaglag tayo ng Kapitalistang U.S. ngayon na nakikipagkasundo na ito sa Pulahang Tsina.

Ano sa palagay ninyo?

* * *

BUTI pa si Kris Aquino. Dahil sa kanyang pagiging artista, pagho-host ng mga palabas at pag-eendorso ng mga produkto ay kumikita siya ng milyon-milyong piso samantalang ‘yung mga talagang nagbabanat ng buto ay kakarampot lang sahod.

Talagang dito sa atin, ang mayaman ay lalong yumayaman samantalang ang mahirap ay lalong naghihirap. Dahil na rin ito sa lisyang paghahati ng yaman sa ating lipunan. Naaalala ba ninyo ‘yung naisulat ko minsan dito sa ating pitak na 40 pinakamayayamang pamilya lamang ang nagpapasasa sa 76 na porsyentong kabuuang yaman ng bansa?

Bukod pa sa lisyang paghahati ng yaman ng bansa, ang sistema ng ating pangongolekta ng buwis ay pabor sa mga mayayaman kaya regressive ang tawag dito.

Mas malaki ang porsyentong buwis na ibinabayad ng isang sahuran kaysa sa mga dambuhalang negosyante?

Ang mga sahuran, nakokolektahan agad ng sukat na buwis tuwing araw ng sahod samantalang ang mga mayayaman ay may mga accountant na nagtatrabaho para mabawasan o mapaliit ang buwis na kanilang ibinabayad sa pamahalaan. May mga tax incentive pa sila kaya lalong lumiliit ang porsyento ng buwis na ibinabayad ng mga mayayaman. Walang ganitong ganansya si Juan dela Cruz.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa malamig na batis ay pumunta kayo Bato Spring Resort sa barangay San Cristobal, San Pablo City. Ang lugar na ito ay nasa paanan ng banal na bundok ng San Cristobal na kahilera ng mapaghimalang Bundok Banahaw. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila, ang resort ay may malawak na paradahan at iba’t ibang amenities para sa inyong kasiyahan.

Tawagan ninyo si Elaine Garchitorena sa 0495620976 at 09265822822 para sa karagdagang impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>