Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MADAYANG SECURITY AGENCY, INEREKLAMO SA DOLE

$
0
0

HINDI raw pinakinggan ang reklamo ng isang security guard ng kanyang pinapasukang security agency matapos siyang maghain ng reklamo sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Hindi patas ang pasahod at wala sa minimum dahil hindi nila sinusunod ang nakapaloob sa batas at halos puro panggugulang ang ginagawa sa mga security guard.

Basahin natin ang reklamo:

Hello,sir Johnny gudpm,hindi naman ako pinakinggan Sir sa mga reklamo ko sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Pati na yung imbentong penalty nila na pinadalhan daw ako ng memorandum na imbento rin nila na wala naman talaga akong natangap atsaka puwede naman akong magreport sa office para kunin ito kung mayron nga.

Pati na yung sistema nila na under labor na, ayon na rin sa pinapirmahan nilang kontrata sa akin pero minimum rate nga talagang ang pinilit nila sa loob ng tangapan ng DOLE.

Ang sistema ng Stelsen Security Agency na maski na hindi ako pumapalya kaya mali talaga na bukod sa libo na ang ninanakaw sa akin noong tumatangap pa ako ng salary sa kanila ay hindi ako pinakingan.Bagkus yung sistema ng security agency ang tinutumbok nila paano yung mga ninakaw nila sakin at paano yung kulang ko pang salary na imbes na 481 pesos ay kulangpuede ba yun?

Sir Johnny, puwede pa ba akong lumapit sa tangapan ng DOLE. Ang klaro po,mula umpisa bago palang akong pa-dutyihin ay pinapirma ako ng kontratang minimum rate para sa mga guwardyang contractual na ayon na rin sa pinirmahan naming contrata ay 481.

Hindi naman nila pinapatupad na ang nasusunod ay yung gusto ng nagpapasahod na under labor nga atsaka pa nila pagnanakawan na aabutin sa libo narin.

May bayad din po yung mga ligal holiday na ayon na rin sa kanila ay binabayaran din po ito ng kliyente kaya pinapasukan po namin pati na rin po ung night deferencial ay may bayad din po.

Ayun na rin po sa kanila (StelsenSecurity Agency) pero po pagdating ng salary wala po akong makikita maski na isa sa payroll na pinapa-recieve nila sakin. Pinagalitan lang po nila ako ng gusto kung kunin ung mga payslip at copya ng kontrata ko.

Salamat po SG Arnold…

MALAKAS DAW KAY HEPE KAYA ‘DI MATINAG ANG SUGALAN

Sinasamantala ni “Drop Ball Queen” na si Juvy ang buwan ng “ber” kaya naman todo-todo na nilargahan nito ng buong magdamagan ang mahigit sa tatlong mesa na puwesto pijo nitong drop ball sa gitna ng Plaza malapit sa Old Municipal Hall sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Siyempre ito namang si Sta. Barbara chief-of-police na si Maj. Rex Infante ay nakatunganga lang kahit nakikita na nito ang iligal na pasugalan ni Juvy sa nasabing lugar.

Malaki raw kasi ang natatanggap na timbre ni Maj. Infante kaya nagbubulag-bulagan sa sugalan na ito kaya naman dedma lang si hepe. Hehehehe..

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>