Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BANTAG NG MCJ, SUPER LAKAS KAY DIRECTOR

$
0
0

KAMAKALAWA lang ay mahigit sa 200 preso ng Manila City Jail ang nag-noise barrage para ipabatid sa kinauukulan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mabilisang pagpapasibak kay Manila City Jail Warden Supt. Gerald Bantag dahil sa garapalang pamamalakad nito sa nasabing bilangguan.

Tinututulan kasi ng mga galit na preso ang mga bagong polisiya ni Supt. Bantag na ihiwalay raw ang mga preso na may kasong droga na pinangangambahang may mga pagbabanta na baka patayin ang mga kakosa na may kasong illegal drugs.

Kaya, lingid sa kaalaman ni Bantag ng MCJ ay nagplanong na magsagawa ang mga preso ng surprise noise barrage bilang tanda ng kanilang pagtutol sa mga hindi makatarungang aksyon ni Bantag sa nasabing kulungan.

Sinubukan na patigilin ng mga naka-assign na jail guard ang mga galit na preso pero sa halip na tumigil ay nauwi ito sa karahasan na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang preso.

Kung matatandaan ninyo, noong August 12, 2016, sampung mga bilanggo ang nasawi sa pagsabog na nangyari mismo sa loob ng Parañaque City Jail at nagresulta pa sa pagkakasugat ng Warden na si Supt. Bantag.

Ang nangyaring kaguluhan noon sa Parañaque City Jail ay kahalintulad din sa nangyaring kaguluhan kamakalawa sa Manila City Jail na pinoprotesta ng mga bilanggo ang hindi makatarungang gagawing planong pagpapalipat sa mga nakapiit na mga bilanggo sa mga nasabing bilangguan.

Ang pinagtatakhan ko lang dito, bakit ganito katindi ang lakas nitong si Supt. Bantag sa kabila ng kaliwa’t kanan ang mga nagpoprotesta sa kanya. Bakit nananatili pa rin ito sa kanyang pwesto bilang Jail Warden ng mga bilangguan.

Bakit ganito kalakas si Supt. Bantag kay BJMP chief Dir. Serafin Baretto, Jr. sa kabila ng pinoprotesta ito ng mga bilanggo dahil sa mga patakaran nito.

Patuloy pa rin na nabibigyan ng magandang puwesto ang nasabing warden.

Pakisilip lang, Mr. President Rodrigo Duterte, kung bakit hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang “palakasan system” sa inyong gobyerno?

BOOKIES NG LOTTENG NI KAP HINDI HINUHULI NI HEPE

Silipin natin ang untouchable na bookies ng lotteng nitong si Kap. Panganiban sa Brgy. Camastilisan, Calaca, Batangas.

Hindi hinuhuli ni Calaca Chief-of-Police P/Insp. Telesforo Domingo kahit abot tanaw na nito ang pa-bookies ng lotteng ni Kap. Panganiban.

Hindi kaya may lingguhang “timbre” na si Tinyente?

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>