Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SIGNAL NO. 5; ULAN, BAHA, LANDSLIDE, WASAK

$
0
0

IDINEKLARA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang mga lalawigan ng Cagayan-Isabela sa ilalim ng Storm Signal No. 5 at mga lalawigan ng Cordillera at Ilocos Region na madaraan ng bagyong Lawin habang papalabas ito papuntang West Philippine Sea.

Madaling-araw ngayon ang simula ng kalakasan ng bagyo na may sakop na 700 kilometro.

Sana naman, tuloy-tuloy itong lalabas ng kalupaan ng mahal kong Pinas ang bagyo sa hapon ng Biyernes hanggang sa tuluyan itong makalabas sa Philippine Area of Responsibility.

May kasamang dalangin, mga Bro, na hindi titigil o babagal o babalik si Lawin sa atin, gaya ng nangyari sa ibang mga bagyo na halos ayaw umalis sa bansa dahil sa biglang pagsulpot ng masamang panahon na pipigil ang paglayo nito.

MALA-YOLANDA

Kahapon, tinalakay natin ang mga lakas ng bagyo, lalo na ang mga Signal Nos. (SN) 4 at 5.

Ang sinasabi ng PAGASA, mga Bro, very heavy ang kasiraan sa buhay at ari-arian sa SN-4 pero, very heavy at napakalawak ang SN-5.

Diretsuhin na natin ang ibig-sabihin nito.

Kung ano ang pinaggagawa ni Yolanda sa Kabisayaan noon, ganito rin ang gagawin ni Lawin sa mga lugar na madaraanan nito.

Pero sana naman, hindi mangmasaker si Lawingaya ng ginawa ni Yolanda noon na ikinasawi ng nasa 8,000 katao sa lunod sa daluyong, bagsak ng puno, dagan ng mga nagibang gusali, lumilipad na yero, kahoy at puno at iba pa.

Basta tatandaan, huwag maliitin si Lawin na may bugsong hangin na 324 kilometro kada oras at kaunti lang sa diperensya kay Yolanda na may bugsong 378 kph.

Grabe rin ang ulan na dala ni Lawin, mga Bro.

TAGA-BATANES TULARAN

Alam nating katatapos lang ang bagyong si Karen na sumira nang husto sa buhay ng mga taga-Batanes.

Ang maganda, walang naiulat na namatay bagama’t halos walang mapakinabangan na mga puno at pananim sa kanila.

Nawasak din nang husto ang nakararami sa kanilang mga tahanan, eskwela at gusaling pampamahalaan mula sa barangay hanggang sa mga munisipyo at lalawigan at maraming gamit sa produksyon, gaya ng mga bangka ang nasira.

Ano-ano ang ginawa ng mga Ivatan at walang nasawi sa kanila? Magandang balita ito at dapat na kumuha tayo ng leksyon sa kanila.

May disiplina ang mga ito, marunong sumunod sa mga awtoridad, mapagmalasakit sa isa ‘t isa at walang palatandaan ng lamangan.

Pupwede ka ngang bumili sa kanilang mga tindahan o sari-sari store nang walang bantay at bahala kang magsukli ng iyong sarili.

Ganyan ang mga Ivatan na malayo sa nababalitaan natin sa ibang mga lugar sa Pilipinas.

KAWATAN, KORAP NAGLIPANA

Sa ibang mga lugar, mismong sa evacuation center, may mga nakawan at gulangan at sa iniiwanan nating mga lugar, may mga naninibasib na pirata, magnakaw at iba pa.

Ang gobyerno, may mga kawatan din sa relief goods at donasyong sari-sari mula sa salapi hanggang mga gamit sa bahay at iba pa.

May mga humaharang din sa mga nagdadala ng mga tulong mula sa daan. Marami ring tao ng pamahalaan na bantulot na tumulong kung walang pera at nawawala ang espiritu ng pablik serbis at sakripisyo.

HALIMBAWA NI DIGONG

Ipinakita rin ni Pangulong Rodrigo Dutgerte ang isang malaking halimbawa.

Alam ba ninyong wala pang Pangulo ang gumawa ng katulad nang ginawa niya makaraang mabagyo ang Batanes kamakailan kay Ferdie?

Pinuntahan niya ang lugar at personal nitong pinasyalan ang ilang lugar at mga Ivatan na labis na napinsala.

Saka ito nagbigay ng halagang P40-milyon para makatulong sa lahat na bumangon mula sa wasak na buhay.

Ginawa ni Digong ang aksyon kahit na natalo siya sa halalang nakaraan dahil balwarte ng Liberal Party ang lugar.

Sabi ni Digong, walang puli-pulitika sa kanya at kung sino-sino ang mga nangangailangan, sila ang dapat na pagsilbihan.

Ang Batanes ay nalulugmok dahil paulit-ulit na biktima ito ng mga malalakas na bagyo.

Nag-iwan si Pangulong Digong ng salita na hindi sila iiwan sa kanilang paghihirap.

NASA 40M KATAO

Sa 100-milyong mamamayang Filipino, sinasabing apektado ang 40-milyong Pinoy sa bagyong Lawin.

Ito’y dahil sa umabot sa Metro Manila at Central Luzon ang bagyo dahil na rin sa lawak ng sakop niton sa 700 kilometrong diyametro.

Ibig-sabihin na may mga naapektuhang lugar subalit hindi gaanong napinsala dahil sa ilalim ng Signal No. 1 at 2 lang sila tinamaan.

Pero sa mga sinalakay ng Signal Nos. 3, 4 at 5, tiyak na gutom, hirap, at posibleng kamatayan ang naranasan nila.

May gutom dahil nasira ang kanilang pagkain, nawalan sila ng pagkakitaan at gamit sa produksyon. May gutom din dahil sa hirap ng pagdating ng relief goods sa kanila.

Ang marami na nawasakan ng mga tahanan at nawasakan maging ng mga evacuation center, tiyak ding gutom, hirap, sakit at kawalan ng kinabukasan ang inaabot nila.

Apektado maging ang pag-aaral ng mga bata at maging ang mga mahihina at maysakit na senior citizen.

MAGKAISA, MAGTULUNGAN

Walang ibang gagawin ang lahat kundi magtulungan, magbigay ng tulong, magdasal at iba pa para sa kapakanan ng lahat ng mga biktima.

Ang bawat piso, bawal takal ng bigas at bawat lata sardinas at iba pa mula sa mga may kakayanang maghatag ng ayuda ay labis na kailangan ng mga biktima.

Ang gobyerno ay dapat na maging Duterte sa salita at gawa. Kapag pinagsama-sama nating ang lahat, kasama ang lakas ng loob na hymarap sa bagyo ng mga biktima, walang ibang magaganap kundi ang pagbangon ng lahat mula sa kasiraan, gutom, hirap, sakit at iba pa.

oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring iparating sa 09228403333 o i-email sa bantiporda@yahoo.com. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>