NAKATUTUWA ba o nakakainis ang ilang nagmamatalino sa ating lipunan ngayon?
Kasi, wala pa sa China si Pangulong RODY DUTERTE, kung ano-ano ng balita na peke ang naglalabasan sa apat na sulok ng media.
Una dito ang inilabas ng basurang diyaryo na ibinasura daw ni Pangulong Duterte ang posibilidad na joint oil exploration ng RP at China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.
May nagbalita naman na pumayag na daw ang China na mangisda ang mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough o Panatag Shoal?
O kaya naman, binastos daw ng ilang opisyal si Pangulong Duterte noong bumaba siya mula sa eroplano?
Ilan lang iyan sa mga dispalinghado na balita ng mga basurerong tagakalap daw ng totoong balita.
Papaano mangyayari na ibinasura ni Pangulong Rod yang “joint oil exploration” eh hindi pa sila nagkakausap ng mga opissyal ng China?
Sabi niya, “hindi ko maaaring sagutin iyan dahil wala pa naman napag-uusapan tungkol sa “joint oil exploration” at kung sakali man, tanging Kongreso lang ang maaaring magpasya!”
Simple at totoo ito!
Tungkol naman sa pangingisda sa Scarborough Shoal o Bajo De Masinloc, wala pa dahil hindi pa nagsisimula ang pormal na usapan sa pagitan ng dalawang Pangulo ng bansa?
Saan nakuha ng mga tsimoso’t tsismosa ang balitang iyan? Nakikita natin sa ginagawa ng mga buskador na ito at magkalat ng lagim at pagalitin lamang ang mga kababayan natin lalo na ang sektor ng mangingisda.
Mas gusto ng mga buskador na magkagulo at mag-away-away ang mga Filipino laban sa kapwa Filipino!
Ang mga buskador ay naupo naman sa loob ng anim na taon nitong nagdaang tamad na rehimen.
Bakit hindi ginawa ang mga iyon noong sila ang nasa kapangyarihan? Hindi ba punyeta ang ugali nila ngayon?
Kaya payo natin sa ating mga kababayan, huwag tayo magpadala sa mga balitang baluktot at intriga ng mga buskador.
Hintayin natin ang opisyal na bersyon ng balita sa pagdalaw ni Pangulong DIGONG mula sa China. BALETODO/ED VERZOLA
