MALABO na i-pull out ng namumuhunang mga negosyanteng ‘Kano’ ang kanilang Bussiness Process Outsourcing business o mga call center mula sa ating bansa nang basta-basta lang.
Ang isa sa mga pinagbabatayan kasi ni Presidential Communication Office Sec. Martin Andanar, e, noong nanawagan ang noo’y senador pa lang na si Barack Obama na magsibalikan ang mga negosyanteng Kano sa kanilang bansa ay binalewala lang ng mga ito ang panawagan niya.
Gusto kasi ni Obama noong mga panahon na ‘yun na bumalik ang mga BPO o call center na pagmamay-ari ng mga kababayan nitong Kano.
Ang siste, hindi nagsibalikan ang mga namumuhunang ‘Kano’ dahil ang katwiran umano ng mga ito, mas magastos sa kanilang bansa kung doon sila magnenegosyo at hindi tulad sa Pilipinas na super sa tipid kapag dito sila mag-invest.
Sabi pa ni Sec. Andanar, kapag sa Pilipinas mag-invest ang mga negosyanteng “Kano”, ang sahod ng mga Pinoy ay arawan pero kapag sa aAmerika raw ay per oras ang ibinibigay na sahod at ‘di hamak na nakatitipid sila.
Ayon pa kay Andanar, kapag ang mga negosyante ay nag-invest sa bansa ay inaasahan na mas lalago ang kanilang negosyo dahil mas magaling at mabilis daw ang ating mga trabahador kaysa sa trabahador ng iba.
MAY TONGPTAS KAYA SI KERNEL SA LOTTENG?
Dinedma lang daw ni Mandaluyong C/Supt. Joaquin Alba ang pagkakabanat sa kanya tungkol sa patuloy nitong pagbibingi-bingihan sa talamak na operasyon ng bookies ng lotteng nitong si Mang Ben Tanda na mahabang panahon nang namamayagpag sa nasabing siyudad.
Aba’y, napag-alaman natin na pinagkamot lang ng yagbols ng nasabing official ang pagkakatira sa kanya, ni hindi man lamang kumilos ito upang paghuhuliin ang iligal na pasugalan ng nasabing gambling operator.
Hindi ko sinasabi na malaki ang natatanggap na “tongpats” ni kernel kaya hindi niya hinuhuli ang bookies ni Mang Ben Tanda sa nasasakupan nito.
PAGING PNP Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, pakiimbestigahan lang po ito dahil nakasisira ito sa image ng PNP. E, kayo pa naman ang iniidolo ng taumbayan.
oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
