Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAKALAS SA US, MAS MARAMI

$
0
0

POSIBLENG dumami ang mga bansa na kakalas sa pakikipag-ugnayan sa United States of America (USA) dahil na rin sa mga bagong polisiya ni President-elect Donald Trump na hindi pumapabor sa mga dayuhan sa kanilang teritoryo,

Isa na rito ang sinasabing paghihigpit sa mga immigrant na naninirahan at nagtatrabaho sa kanilang bansa na umano’y tatamaan sa paghihigpit ng America.

Ang ikinatatakot kasi ng mga ligal na naninirahan at nagtatrabaho sa America ay posibleng madamay raw sila sa mga pauuwiing immigrant kapag tuluyang naghigpit ang mga Kano sa kanilang pagpapatupad ng batas.

Kapag nagkataon ay kawawa naman ang mga kababayan natin na hindi man lamang nakapag-ipon sa kanilang pagtatrabaho sa USA dahil pagdating nila sa ating bansa ay tiyak na wala silang aasahang malaking suweldo.

Ito ang dahilan kaya’t nagpupursige si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng maraming trabaho sa Pilipinas nang sa gayon ay hindi na kailanganin pang mangibang-bansa ang ating mga kababayan para lamang mabuhay nang maayos ang kanilang pamilya.

Kung sapat kasi ang pagkakakitaan dito ay mas pipiliin ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa labas ng bansa na manatili sa Pilipinas nang sa gayon ay araw-araw nilang makakasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sang-ayon tayo sa pakikipag-usap ni Pangulong Duterte sa mga kalapit nating bansa dahil sa pamamagitan nito ay madaragdagan ang hanapbuhay sa Pilipinas kapag pumasok na ang mga dayuhang mamumuhunan.

Desidido kasi ang administrasyon ni Tatay Digong na dito na lamang magtrabaho ang ating mga kababayan na nangingibang-bansa at mangyayari lamang ito kapag dumami na ang mga trabahong puwede nating pasukan.

Bukod dito, plano rin ng America na maging “secure” ang kanilang border upang umano’y mapigilan ang pagpasok ng mga “undocumented immigrants” sa kanilang bansa.

Bagama’t tama lamang ang ginagawang paghihigpit ni Trump sa pagpasok sa kanilang teritoryo ay hindi maiiwasan na may mga bansa na magtatanim ng sama ng loob sa America lalong-lalo na iyong mga umaasa sa pananatili at pagtatrabaho sa USA.

Ilan lamang ang mga ito sa bagong polisiya ng America at asahan natin na susunod na mga araw ay may mga bago pang kautusan na ilalabas si Pangulong Trump na hindi maganda ang maidudulot sa mga immigrants kaya’t ito ang ating pakaaabangan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.