Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA KWENTO AT SUMBONG SA UV EXPRESS

$
0
0

SA talaan ng LTFRB, as of September 2016, may 19,687 UV Express franchise at 20,985 units ang nakapaloob dito.

Madalas sa balita ang UV, kamakailan ay nag-viral sa social media ang hit-and-run case ng isang UV na may plate – UVR238.

Noong nasa LTFRB pa ako ay pinalagan natin ang mga UV na may sticker na “for slim only” na isang uri ng diskriminasyon.

Pero ang pinakamalimit na balita ay ang maraming kolorum unit.
Ang UV ay isang innovation ng Pinoy, dati ang tawag dito ay FX, tapos GT, at ngayon nga ay kilala na ang puting van na pamasada as UV Express.

Bentahe agad, kasi nga express. Point-to-point kasi ang biyahe kaya hindi sana dapat mag-pick up and drop tulad ng karaniwang jeep.

Convenience ang habol ng pasahero, dahil aircon kahit mas mahal ang pasahe kaysa jeep.

Ang pasahe ng UV ayon sa prangkisa ay P2 per kilometer. Depende sa layo ang pasahe. So pag 10 km, ang pasahe P20 pesos.

Talamak ang kolorum dito. May biro nga na kapag ang lahat ng kolorum ay hindi magbiyahe, paralisado ang serbisyo sa tao.

Naranasan ko kapag may operation kami ay walang bumibiyahe kasi iwas-huli ang mga kolorum.

Kaya marami kaming natatangap na mura galing sa mga pasahero na imbes matuwa na nanghuhuli kami ay naaasar pa dahil wala silang masakyan.

Matagal na may moratorium sa pag-issue ng prangkisa ng UV, pero dahil malakas ang demand isinusugal ng marami ang bumiyahe kahit mahuli sila.

Hindi nagkukulang ang LTFRB at LTO sa panghuhuli pero high-tech na sila at parang sindikato.

May mga radyo sila at mga bigtime protector. Maraming kolorum ay pag-aari ng pulis.

Isa nga rito ‘yung van na ginamit ng mga rapist na gumahasa sa dalawang babae, pag-aari ng pulis ‘yun.

Marami ring naeengganyo at naloloko na mag-operate ng UV, ‘yung pinangakuan ng prangkisa ng mga fixer pero dahil may moratorium ay nagiging kolorum sila at napipilitang magbibigay ng protection money sa mga sira-ulong transport leader.

At ang masakit, kapag nahuli at na-impound ang unit ay iiwan na sila sa ere.

Ang LTFRB noon pa ay masipag mag-operate laban sa kolorum pero talagang napakabigat ng problema.

May nagsasabi na buksan na ang prangkisa nito pero ang sabi naman ng iba ay walang interes magligal ang mga kolorum, lalo ang mga pag-aari ng mga pulis na bumibiyahe pa na may dalang baril.

Mainit ang inyong lingkod sa mga pulis na ‘yan. ‘Yung rape sa kolorum van ay hindi sana nangyari kung hindi pinabibiyahe ang driver na may criminal record.

Pending pa sa husgado ang kaso at lagi kong kinukumusta ang mga biktima.

Mabuti’t may mga abogado sila na pro-bono. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>