Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ILANG SENADOR AT KONGRESISTANG LP

$
0
0

IPAHUHUKAY raw ng mga mambabatas ang bangkay ng dating diktador na si Pangulong Ferdinand E. Marcos mula sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Anim na senador sa pangunguna ng bagong Pangulo ng Liberal Party (LP) na si Kiko Pangilinan at tropa naman ng ikalawang minority group sa Kamara nina Edcel Lagman at Baguilat.

Maniniwala ba kayo na kaya nilang ipahukay ang labi ng bangkay ni Marcos? May tatanggap kaya ng bayad, gaanoman kalaki, kung hindi naman iuutos ng Korte Suprema?

Ang Korte ang nagpasya, hindi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte!

Maski sa social media, ang daming mali na nakasulat. Kesyo kaalyado raw kasi ni Pangulong DIGONG ang mga Marcos na sila rin daw ang gumastos noong panahon ng kampanya nasyunal.

Kesyo nagpakita lang daw si KA DIGONG ng katapatan niya sa mga Marcos dahil sa utang na loob?

Nakatatawa ang mga mambabatas na kasapi ng LP, lalo na sina Pangilinan at Lagman.

Totoo na sangkot sila noong panahon ng martial law. Lumaban at nakulong minsan. Pero sapat na ba iyon na dahilan para guluhin muli ang bansa sa isyung pulitikal?

Noong DEKADA 1970, mainit ang labanang pulitika sa kamay ng mga politiko.

Mainit din ang mga kabataan, mga mag-aaral dahil sa mga patakarang kuwestiyunable noon ni Marcos.

Lalong uminit nang gumawa si dating Senador Benigno Aquino, Jr. ng mga senaryong matagal din naitago sa taumbayan.

Pero ang karanasan noong DEKADA 70 ay maituturing na rebolusyong bayan. May mga sumapi sa mga militanteng kilusang kabataan, manggagawa, kababaihan hanggang sa ibagsak ang batas-militar ay napilitang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (NPA) dahil wala na rin silang mapuntahan.

Marami ang nahuli, pinahirapan, nawala na hanggang ngayon ay hindi na nakita. Ang karanasang ito ay bahagi ng rebolusyon.

Kung nahuli at napatay. Kung nahuli at nabuhay o kaya ay nawala, bunga ng rebolusyon iyon!

Lamang, ang hangad ni Pangulong DUTERTE ngayon ay pag-isahin tayo BILANG IISANG FILIPINO.

Gusto niya na tahimik ang bansa sa anomang uri ng rebolusyon, lalo na laban sa kriminalidad na itinutulak ng iligal na droga!

Ang pagpayag niya na mailibing ang bangkay ng diktador sa LNMB ay dumaan sa prosesong ligal.

Alam niya ang batas dahil abogado siya. Nabasa niyang maigi ang laman ng batas na may ugnay sa libingan.

Sa huli, nagpasya ang Korte Suprema. Walang nagbabawal na ilibing ang dating Pangulo sa LNMB.

Simple pero ngayon ay nag-iingay ang barkadahang LP na animo ay totoong palaban sila!

Nakupo, mga tiyong at tiyang, katahimikan na sana ang ating tingnan. Pagkakaisa na sana ang unahin natin.

Habang nahahati tayo sa puwersang pulitikal, wala tayong makakamit na pag-unlad at pagbabago sa ating lipunan at mamamayan! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>