Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BIYAK-BIYAK LAHAT DAHIL SA DROGA

$
0
0

HABANG lumalaki ang panawagan para sa pagtigil ng mga patayan ukol sa droga, lumalaki rin ang bilang ng mga mamamayan na may gustong dapat magpatuloy ito.

Ganito rin ang nagaganap sa panukalang bitay na isa sa mga target na maparusahan dito ay ang mga sangkot sa droga.

MGA INA

Ang mga ina ang talaga namang may tunay na drama sa buhay ukol sa kanilang mga anak na sangkot sa droga at napapatay.

Labis na paghihinagpis ang nararamdaman ng mga inang nawawalan ng mga anak. Walang karapatan ang sinoman na kumitil sa buhay ng kanilang anak.

Sa kabilang banda, may mga ina rin ang tanggap ang kinahihinatnan ng kanilang mga anak. Sabay sabing, pati asawa at anak ng kanilang mga anak na napapatay ay nahawa na rin sa droga.

Kaya wala silang hinanakit kahit sa mga hindi nila nakikilalang pumapatay o mismong awtoridad.

KAPITBAHAY NAGHAHANAP

Marami ang nagsasabing dapat mademanda at makulong ang mga sangkot sa droga.

Pero dahil sa nakalalabas sa kulungan sa piyansa at desisyon ng mga piskalya at hukuman ang higit na nakararami sa mga sangkot sa droga, gusto ngayon ng marami rin na pairalin hindi ang Oplan Tokhang kundi Oplan Tokbang.

Sa pamamasyal ng ULTIMATUM sa mga barangay, anak ng tokwa, higit palang nakararami talaga ang may gusto ng Oplan Tokbang kaysa Oplan Tokhang.

Ito’y para matigil umano nang ganap ang droga sa kani-kanilang mga lugar.

Nadiskubre pa natin na kakaunti ang mga barangay na nadadalaw ng Oplan Tokbang at lalong kakaunti ang nadadaraanan ng Oplan Tokbang.

Kaya umano hindi talaga matigil ang droga sa malawak na bahagi ng bansa kung malalambot na ang mga paraan na gamit ng paraan sa paglutas sa salot.

Salot talaga umano ang droga dahil dito nagmumula ang mga kapitbahay o kabarangay na sangkot sa akyat-bahay, holdap, isnatsing, nakawan ng mga miyembro ng pamilya, rape, puyatan, sugalan at kawalan ng trabaho

MGA PULIS

Hindi na rin kaila sa lahat na maging ang mga pulis ay hati-hati na rin na humahantaong sa patayan din.

May mga pulis na ninja cop kung tawagin o nagtatago ng kanilang mga huli para ibenta at pagkakitaan makaraan.

Mayroon ding mga protektor na mga opisyal mula sa mga tinyente hanggang sa mga kernel at heneral.

Ngayon ay may pito nang heneral ng pulisya na hindi maalis-alis sa isipan ng mga mamamayan na sangkot sa droga at nahaharap sa kaso ang nakararami sa mga ito.

Daan-daan na ring pulis ang hinahatulan ng mga awtoridad na masibak sa pagkapulis at hindi lang sa tungkulin makaraang tukuyin ang mga ito ng kanilang kapwa mga pulis na in sa droga.

MALAKANYANG AT KONGRESO

Naglalakasan din ang boses ng mga taga-Kongreso at taga-Malakanyang na kontra o pabor sa giyera sa droga.

Nanggagaling ang malakas na boses na kontra mula sa nakaraang administrasyon samantalang malakas din ang boses ng mga pabor mula sa kasalukuyang administrasyon.

Malakas ang bangayan sa pagkakadiskubre na may alaga palang naglalakihang druglord ang ilang lider na nakaraang gobyerno na ngayo’y binabaka ng kasalukuyang administrasyon.

Malinaw ito sa pagkakalantad ng mga druglord sa New Bilibig Prison at lumalabas na ring may mga malalaking druglord din sa labas ng NBP na matagal na ring nag-o-operate ngunit ngayon lang talaga nalantad nang todo.

IBANG BANSA

Maging ang ibang mga bansa ay sumasawsaw na rin sa mabangis na giyera sa droga sa mahal kong Pinas.

Isinasangkot ng mga taga-nakaraang administrasyon ang ibang mga bansa sa pagsupil sa giyera sa droga.

Kaya naririyan ang mga pag-iingay na labag umano sa karapatang pantao ang giyera sa droga.

Subalit marami ring bansa ang nagbibigay-pugay sa giyera. At sa katunayan, malambot pa umano ang gobyernong Duterte dahil sa kawalan ng batas para sa parusang bitay laban sa mga sangkot sa droga.

LIGTAS NA

Para naman sa higit na nakararaming Filipino sa ngayon, bagama’t nayayanig sila sa mga patayan, ramdam na ramdam naman nila ngayon ang pagiging ligtas sa sari-saring krimen na matagal nang naghahari sa buong bansa.

Marami ang nagpapasalamat na nawala ang maraming krimen na agaw-cellphone na may kasamang pagpatay, akyat-bahay, gulo sa magkakapitbahay, isnatsing, rape, riot ng mga kabataan, at maging ang kotong cops at hulidap ay napakalaki na rin ang ibinawas.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09228403333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>