Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SANA MALAKAS ANG EBIDENSYA LABAN KINA ARGOSINO AT ROBLES

$
0
0

KINASUHAN ni Wally Sombero nitong Biyernes sina Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles ng paglabag sa Anti-graft and Corruption Practices Law sa Office of the Ombudsman.

Ang kaso nina Argosino at Robles ay may kinalaman sa panghihingi umano ng dalawa ng P50-milyon kay Jack Lam kapalit ang pagpapalaya sa 600 Tsino mula sa 1,350 Tsino na nadakip ng mga pulis ng BI sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Clark, Pampanga dahil sa iligal na pagtatrabaho sa iligal na pasugalan sa Fontana.

Sa P50M, P30M ang napunta kina Argosino at Robles, P18M kay BI intelligence chief Charles Calima, Jr., at P2M kay Sombero, ayon kay Argosino.

Si Sombero ay retiradong heneral ng Philippine National Police (PNP) at konektado ngayon kay Lam.

Si Lam ay negosyanteng Tsino na nakabase sa Macau, Tsina na ang negosyo ay sugal. Bukod sa Fontana, may online gambling din si Lam sa Fort Ilocandia.

Sana totoo ang kasong isinampa ni Sombero kina Argosino at Robles, at ‘di para iligtas ang kanyang sarili sa naganap na suhulan.

At kung totoo nga ang ikinaso ni Sombero, sana hindi pababayaan ng Office of the Ombudsman upang sakaling makarating sa Sandiganbayan ang kaso laban kina Argosino at Robles ay hindi ibasura ang kaso.

Kaya ko ito nasabi ay dahil marami nang kaso na iniyabang ang Office of the Ombudsman na pawang malalakas umano, ngunit pinawalang-saysay ng Sandiganbayan bunga ng kakapusan ng matibay na ebidensya.

Halimbawa nito ang mga kaso nina Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Luis “Chito” Lorenzo, Jr., Jocelyn “Jocjoc” Bolante, Ibarra Poliquit, at iba pa hinggil sa P723M fertilizer scam.

Dapat, hindi lang sa suhulang naganap sa BI magpokus ang Department of Justice, kundi imbestigahan din nito ang pagkakaroon ng iligal na pasugalan sa Fontana at sa Fort Ilocandia.

MAS MAGANDANG GLORIETA PARK

BINUKSAN kamakailan ang bagong palaruan sa Glorieta Park sa Tala, Caloocan City sa pamumuno ni Mayor Oscar Malapitan.

Naisakatuparan ang bagong mukha ng Glorieta Park dahil na rin sa tulong ng Philippine Seven Corp. (7-Eleven).

Ang nasabing proyekto ay handog ni Mayor Malapitan sa mga bata sa Barangay Tala at mga kalapit na barangay.

***
Problema at hinaing n’yo, itawag, o i-text sa: 09985650271. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>