Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SUMUKONG DRUG PERSONALITIES SA MUNTI, TIWALA KAY FRESNEDI

$
0
0

MALAKI ang tiwala ng mga sumukong drug personality sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City kung saan ay nagsidalo pa ang mga ito sa ginanap na Christmas party at gift-giving sa mga ito at sa kanilang mga pamilya.

Naniniwala kasi ang mga sumukong ito kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na tutulungan silang makapagbagong-buhay at tuluyang makalimutan ang bisyong naglagay sa kanila sa maling direksyon.

Naging masaya ang mga sumukong drug personality sa ipinagkaloob sa kanilang Christmas party dahil nakapag-uwi sila ng grocery packages, rice subsidy at gift packs bilang bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan na tinawag na Mamamayan at Pamilya Laban sa Droga (MAPALAD).

Sa pamamagitan kasi ng programang ito ay tutulungan ng lokal na pamahalaan ang mga sumukong drug personality simula sa pagpapagaling sa mga rehabilitation center hanggang sa makapagbagong-buhay.

Bukod dito ay tinutulungan din ng administrasyon ni Fresnedi ang mga sumukong drug personality na muling makapag-aral sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito o sa kanilang pamilya ng scholarship at pagpasok sa technical-vocational institutions.

Pinahihiram din ng lokal na pamahalaan ng puhunan ang mga gustong magtayo ng kanilang panimulang negosyo kung saan ay walang babayarang interest ang mga ito hanggang sa tuluyang makapagbagong-buhay.

Simula nang suportahan ni Mayor Fresnedi ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa ay umabot na sa 3,000 ang mga sumukong drug personality sa lokal na pulisya at mga pamahalaang barangay.

MUNTINLUPA CITY BINIGYAN NG PAGKILALA DAHIL SA BLOOD DONATION

Kamakailan lamang ay nakatanggap ng pagkilala mula sa Department of Health (DOH) ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City dahil sa matagumpay na blood donation na isinagawa sa lungsod na umabot sa libo-libong blood bags ang nalikom.

Kabilang sa mga dumalo sa pagdiriwang at pag-aabot ng Bonifacio Award sina DOH Usec. Gerardo Bayugo na sinaksihan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na pinangunahan ni Mayor Fresnedi.

Sinabi pa ni Fresnedi na magpapatuloy ang kanyang administrasyon sa pagsuporta sa national government dahil naniniwala ang alkalde na mabibigyan ng ating Pangulo ng bagong pag-asa ang mga kababayan nating naghihintay na magtagumpay sa buhay. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>