Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAALAM SA MADUGONG TAON

$
0
0

PARA sa maraming tao, ang 2016 ay madugong taon dahil sa digmaan na inilunsad ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Noong Hulyo ay inatasan ni President Duterte ang mga pulis na maglunsad ng malawakang laban sa droga na isinagawa sa pamamagitan ng mga raid, buy-bust operation at ibang aktibidad bilang katuparan ng kanyang pangako noong kampanya.

Mahigit 2,000 drug dealers na lumaban sa pagkakaaresto at nakipagbarilan sa pulis ang nasawi habang higit 42,000 traffickers ang nahuli.

Mahigit limang-milyong bahay ng pinaghihinalaang gumagamit at nagbebenta ng droga ang binisita ng kapulisan sa tinuringang Oplan Tokhang.

Dahil dito, sumuko ang may 970,000 lalaki at babae na umaming sangkot sa droga. Ang mahigit 74,000 sa bilang na ito ay nagsabing konektado sila sa bentahan ng droga.

Nagkaroon naman ng malaking kabawasan ang krimen. Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, ang bansa ay higit na ligtas ngayon sa mga nakawan, carnapping, rape at physical injury.

Sa datos umano ng Philippine National Police, bumaba ang krimen mula 81,064 noong 2015 tungo sa 55,391 mula Hulyo – Nobyembre ng 2016.

Pero naitala naman ang pagtaas sa bilang ng kasong murder na isinisi ng mga pulis sa mga miyembro ng sindikato ng droga na kapwa nagpapatayan at ipinalalabas na pulis o vigilante ang gumawa nito.

Dumami mula sa 3,950 kaso noong Hulyo – Nobyembre noong 2015 sa 5,970 ngayong 2016 murder.

Hindi ito biro-biro. Ang mga vigilante ay namamayagpag sa pamamaslang ng kanilang target kahit may mga inosenteng bata na nadaramay bilang “collateral damage.” Maraming lehitimong operasyon ng pulis kung saan nanlaban umano ang mga suspek ngunit pinaghihinalaan ng iba na rubout.

Dahil walang kapangyarihan, malulunod na lang sa luha ang pamilya ng mga nasawi dahil alam nilang wala silang pwedeng lapitan sa gitna ng madugong panahon na ito.

Hindi na kataka-taka kung bakit kinansela ng singer na si James Taylor ang kanyang konsiyerto sa Pilipinas upang manindigan. Ayon sa kanya, ang pamamaslang sa pinaghihinalaang lumabag sa batas sa droga nang hindi dumaan sa ligal na proseso ay hindi katanggap-tanggap para sa sinomang nagmamahal sa batas.

* * *

Isang paalala sa lahat: Manatili tayong ligtas sa pagsalubong sa 2017 sa pamamagitan ng pag-iwas sa paputok. Manigong Bagong Taon.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Inggit Quotes and Taray Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>