Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ISANG MEDIAMAN NA NAMAN ANG ITINUMBA

$
0
0

benny antipordaANOMAN ang motibo sa pagpaslang kay Mario Baylosis, radio announcer ng 101.7 DXLM FM Radyo Natin sa Kabasalan at radio reporter din ng DXNZ Radyo Suhnan, dapat na kumilos kaagad ang mga kinauukulan upang madakip ang mga suspek at maiharap sa timbangan ng katarungan.

Binaril at napatay ng riding-in-tandem si Baylosis sa harapan ng isang gasolinahan sa Brgy. Salipyasin, Kabasalan.

Tatlong bala ng kalibre .45 ang bumaon sa dibdib ni Baylosis na kaagad nitong ikinamatay.

MAY BANTA

Ayon sa mga awtoridad, mga Bro, matagal na umanong may banta sa buhay ng ating kasama sa propesyon ngunit inaalam pa kung sa anong bagay o pangyayari nauugnay ito.

Dahil mismong ang mga awtoridad ang nagsasabi nito, hinihiling natin ang mabilis na pagkilos ng mga ito upang makilala sa pinakamadaling panahon ang mga may gawa ng krimen.

UTAK SA PAGPASLANG

Ipagpalagay nating upahan lang ang mga pumatay kay Baylosis.

Kung ganito ang kalagayan, dapat na makaliskisan kaagad ang mga utak ng krimen.

Ngunit may mga pagkakataon din na ang mga triggerman mismo ang utak.

Sa alinmang sitwasyon, kung mayroon nang lead sa mga suspek sa krimen, dapat na kumilos kaagad ang mga awtoridad.

Maraming paraan upang makilala nang husto ang mga posibleng suspek.

Pupuwedeng i-trace ang mga numero sa cellphone na dinaluyan ng death threat.

Pupuwede ring ungkatin ang mga nakaraang pahayag ni Baylosis sa radyo at kung mayroon siyang mga pinupuna, pupuwedeng silipin ang mga ito.

Kahit sabihin pa nating personal ang dahilan ng pagpaslang, nararapat lang na makilala at madakip kaagad ang mga suspek.

PROFESSIONAL KILLERS

Kung totoo ang ulat na bumaon lahat ang mga bala ng baril sa dibdib ni Baylosis, ibig sabihin na may kasanayan sa paggamit ng baril ang mga salarin.

Magandang klase rin ang baril na ginamit at masasabing inihanda nila ito para sa “sure hit.”

At sino-sino ang mga may kasanayan sa paggamit ng kalibre .45?

At sino-sino ang mga may lakas ng loob na pumaslang sa katanghaliang tapat sa lugar na napakaraming armadong awtoridad?

PARAK, SUNDALO NASAAN?

Alas-11:30 nang maganap ang pagpaslang at sa bukas at lantad na lugar, sa harapan ng gasolinahan.

Tanghaling tapat na ‘yan.

Napakalakas ng loob ang may dala ng baril at mamaril na lang nang ganyan kadali.

Sa pagkakaalam natin sa mga lugar na ganyan, maraming nakapaligid na kampo ng mga sundalo at pulis.

Ngunit magtataka ka kung bakit ganun na lang kadali ang pagpaslang at pagtakas sa pamamagitan ng motorsiklo.

Hindi tayo nagtuturo ng kung sino-sino pero nakapagtatakang napakadaling makatakas ang mga suspek.

GUN BAN NASAAN?

Isa pang dapat na isipin ang pinaiiral na gun ban ng Commission on Elections.

Sa gun ban campaign, 24 oras na nag-o-operate ang mga awtoridad.

Sa karanasan natin sa lugar na ‘yan, malalapit sa isa’t isa ang mga puwesto ng mga pulis at militar na nagmamando sa mga checkpoint na itinatatag para sa kampanyang gun ban.

Nasaan ang gun ban na pinaiiral ng mga parak at sundalo?

Dapat sanang madaling makapagresponde ang mga awtoridad.

Pero bakit makaraang umalingawngaw ang mga putok ng baril, walang nahabol ang mga awtoridad na mga suspek?

GABI KUNG MASIPAG

Sa ating sariling karanasan at ulat ng ating UZI, higit na paborito ng mga riding-in-tandem ang araw na paggawa ng krimen.

Pero alam ba ninyo kung kailan sinisipag ang mga pulis at sundalo?

Lalo na ang mga pulis?

Sa gabi, mga Bro.

KRIMEN PAG-ARALAN

Ito ang dapat na tingnan ng mga awtoridad: mas marami talaga ang mga krimen na nagaganap sa araw kaysa sa gabi, lalo na ang mga pagpaslang sa mga lansangan.

Ito’y dahil nasa kalsada ang mga target ng mga riding-in-tandem at iba pang mga mamamatay tao.

Kung magpapatuloy ang mga awtoridad na higit na magtayo ng mga checkpoint sa gabi kaysa sa araw, may problema ang mga ito sa pagsugpo ng krimen.

KOTONG COPS

May problema kasi, mga Bro, ang mga awtoridad, lalo na ang mga pulis na nagtatayo ng mga checkpoint para sa anomang dahilan gaya ng kampanyang gun ban.

Anak ng tokwa, may kasamang kotong.

Gusto ng mga nagtse-checkpoint sa gabi upang hindi makilala ng mga tsine-checkpoint nila.

Malabo na ang mga nameplate ng mga ito, may takip pa karaniwan ng kung ano-anong papel.

‘Yung iba, nakatalikod sa mga ilaw ng mga sasakyan at sila ang nang-iilaw ng iyong mata o harapan upang hindi mo sila makilala.

Mamamalayan mo na lamang na ang dami nilang nakikitang mga depekto o peke kuno ang mga papeles ng iyong sasakyan at doon na sila mangongotong.

Sa maliwanag na checkpoint sa araw, hindi nila magawang maitago ang kanilang mga sarili sa dilat na dilat na mata ng mamamayan.

At marami ang mga nakasasaksi, pati ang mga nakapaligid at dumaraan.

Nauunsyami ang raket ng mga ito.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>