Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAHALAGAHAN NG ASEAN DAPAT MALAMAN NG PUBLIKO

$
0
0

MALAMANG na tuluyan nang masisibak sa kanyang pwesto si Commission on Higher Education (CHED) Executive Director Julito Vitriolo dahil sa katakot-takot na kasong isinampa sa kanya, kabilang na ang kasong Magpapatulong si Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar sa Department of Interior Local Government (DILG), maging sa Local Government Units (LGUs), para mabilisan na maipaliwanag sa taumbayan kung ano nga ba ang ASEAN Summit 2017.

Kaya nakatakdang kausapin ni Sec. Andanar si SILG Ismael Sueno upang magpasaklolo sa agarang pagpapakalat sa publiko kung ano ang tunay na kahulugan ng Asean Summit 2017 at kung ano ang benepisyong dala nito para sa mahihirap na mamamayang Filipino.

Kulang na kulang daw kasi ang mga impormasyon na dapat na malaman ng taumbayan kaugnay sa makukuhang ganansya ng bansa sa Asean Summit na kung saan ang mga makikinabang sa benepisyo nito ay ang mahihirap na mamamayang Filipino.

Ang kailangan daw kasi ay makarating sa bawat barangay ang mga impormasyon kung ano talaga ang tunay na pakahulugan ng Asean Summit 2017 at kung ano ang maitutulong nito sa mahihirap na mamamayang Filipino.

Nakapanghihinayang daw kasi, baka maulit muli na hindi magamit sa tama ang P1.9 billion budget ng PCOO na kung tutuusin ay napakalaking halaga kung gagamitin ang budget na ito para maipaalam sa publiko kung ano ang tulong na makukuha ng taumbayan sa Asean.

Kaliwa’t kanan na pinupuntahan ni Kalihim Andanar ang iba’t ibang istasyon ng telebisyon at radyo, maging ang iba’t ibang mga publikasyon ng diyaryo na nasusulat sa iba’t ibang dayalek gaya ng Tagalog, Bisaya, Kapampangan at marami pang iba para lubos na maintindihan ng mga kababayan nating Filipino.

Nagtataka si Andanar kung bakit nga ba hindi masyadong naipaliwanag sa taumbayan, partikular na sa mga kapus-palad at sa iba pang mahihirap na kababayang mamamayang Filipino kung ano nga ba ang tunay na ibig-sabihin din ng Association of Asian Nations?

E, nasaan na nga ba mapupunta ‘yun? Hehehehe.

PASUGALAN NG EX-PULIS, PADER KAY KERNEL

Untouchable ang mga iligal na pasugalan gaya ng mga video-karera at bookies ng karera (horse racing) ng isang dating pulis na nagngangalang Boni Abad sa nasasakupan ng Presinto ng 4 ng Manila Police District.

Bakit, magkano ba ang weekly tong-collections ang tinatanggap ni PS-4Station Commander Supt. Quino Olivar kay Boni Abad kung bakit patuloy na namamayagpag ang mga iligal na pasugalan nito sa nasasakupan ng PS-4?

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>