Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PATULOY ANG SHABU SA QUEZON CITY

$
0
0

NITONG Enero 14 at 15, nakahuli ng 11 drug dealer ang Quezon City Police District, kabilang na ang isang barangay kagawad ng 308 ng Maynila na si Ben-Ali Kisol alyas “Mino-al.”

Ang iba pang nahuli ay kinilala ni C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, direktor ng QCPD, na sina Allan Viray, Roldan Lobina, Norman delos Santos, Jordan Paul Mateo, Victoria Trono, Danilo Lozano, Zernan Ramos, Lala Kisol, Abdullah Casarigan at Wilinda Gonzales.

Sa magkakahiwalay na paghuli sa kanila, nakumpiska sa mga ito ang P1-milyong halaga ng shabu.

Ang patuloy na operasyon ng QCPD sa pumumuno ni C/Supt. Eleazar kung saan nakahuhuli ng mga drug dealer at nakakukumpiska ng shabu, nangangahulugan lang na talamak pa rin ang iligal na droga sa Quezon City.

Nangangahulugan din na hindi natatakot ang mga sindikato ng iligal na droga at ng kanilang mga tulak sa lungsod sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga na seryosong ipinatutupad sa Quezon City ng QCPD sa pamumuno ni C/Supt. Eleazar.

Mayroong nag-text (09194189…) sa akin na ang sabi’y isang “Arceo” ang nahuli raw dahil sa iligal na droga, ngunit nakalaya uli.

At isang pulis-QCPD na SPO2 ang ranggo na adik daw, ngunit hindi tinatanggal sa serbisyo.

Alam ko, ipaaasikaso sila ni C/Supt. Eleazar.

EJK SA CALOOCAN CITY

PATULOY na iniimbestigahan ng pulisya sa Caloocan City ang sunod-sunod na extrajudicial killings (EJKs), alinsunod sa utos ni Supt. John Almazan.

Ang masama kasi sa EJK sa Caloocan ay mayroong nadadamay na mga menor-de-edad.

Hindi kaya dahil, marami na ring menor-de-edad na drug dealer?

Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, makikitang mayroong substansyal na bilang ng mga menor-de-edad na drug dealer na rin.

Ang alkalde ng Caloocan City na si Mayor Oscar Malapitan ay todo-suporta sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga, sapagkat ayaw na ayaw ni Malapitan na masira ang buhay ng mga residente ng lungsod, lalong-lalo na ang kabataan.

Ngunit, hindi gusto ni Malapitan ang EJK, kaya hangad niyang maresolbahan ito ng pulisya sa lalong madaling panahon.

===
Problema at hinaing n’yo, itawag, o i-text sa: 09985650271. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>