INUTIL sa dilang inutil ang Department of Foreign Affairs pagdating sa pagbibigay ng mga ayuda sa mga Overseas Filipino Worker na nahaharap sa parusang kamatayan gaya ng kinasapitan ni Jakatia Pawa na nabitay kamakailan lang sa Kuwait nang hindi nabigyan ng ayuda ng DFA.
Ang masaklap rito, nabitay si Pawa na nakapagtataka kung bakit hindi alam ng DFA kung kailan bibitayin.
Kung hindi pa nga tumawag ang huli sa kanyang mga kamag-anak sa Pilipinas para ipaalam na bibitayin na siya ay mabibitay ay wala man lang isang na nakaaalam.
Anong klaseng DFA mayroon tayo, (hindot na ‘yan!!!)?
Ang matindi pa rito, sa presscon ng DFA ay hindi masagot-sagot ni DFA Spokesperson Charles Jose ang mga katanungan kung bakit hindi alam ng gobyerno kung kailan bibitayin si Pawa at ‘yung iba pang mga nakasalang?
Anong klaseng ahensiya ito? Sila dapat ang mga pumoproteksyon sa mga karapatan ng ating mga OFW na biktima lamang ng kalupitan ng kani-kanilang mga employer pero wala silang ginagawa kaya hayun ang mga kawawang OFW ay nabibitay dahil sa kapabayaan ng inutil na DFA.
Alalahanin sana ng DFA na bukod kay Pawa ay may 87 pang OFW ang nakasalang sa parusang kamatayan na ngayon ay pinangangambahan ng mga kaaanak ng mga OFW na hindi inaasikaso ng mga ugok na taga-DFA.
Anong ayuda ang aasahan na maibibigay ng DFA sa mga OFW para maisalba ang mga ito sa parusang kamatayan, e, sila mismong mga taga-DFA ay ‘di kumikilos.
Asa pa kayo? Hehehehe..
PD ANG MGA NASA LIKOD NG SUGALAN
Hanep itong si alyas Ramil na operator ng tatlong puwesto pijo (color games) dahil hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag ang puwesto pijo nito sa Carmona,Cavite (tapat ng Jollibee) na ang engkargado ay isang alyas Jayson, sa Calamba, (tapat ng Brgy. Hall) ay isang alyas Bong at sa Balibago Sta. Rosa, (Target Mall) Laguna.
Si Laguna PD Supt.Joel Pernito ang inginunguso ni Ramil na pumoproteksyon sa kanyang pasugalan sa Laguna at si Cavite PD Supt. Arthur Bisnar naman sa Cavite ang kanyang pamato. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA