Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SINO ANG MANANAGOT SA TANAY TRAGEDY?

$
0
0

SINO nga ba ang dapat sisihin sa malagim na trahedya sa Tanay, Rizal na kumitil sa buhay ng 15 estudyante ng Bestlink Colleges of the Philippines noong Lunes ng umaga?

Ang mga kawawang estudyante na walang ibang hinangad kundi ang maka-graduate at mabigyan ng karangalan at marangyang buhay ang kanilang pamilya na sa isang iglap lang ay gumuho ang lahat ng pangarap.

Ang nasabing pangyayari ay napakasakit para sa mga magulang ng mga namatay na estudyante na walang inasam kundi ang makatapos ang kanilang mga anak kahit gumastos pa sila nang malaki.

Kanino nga ba dapat isisi ang trahedyang iyon: sa kumpanya ng Panda Tourist Bus, sa driver ng bus o sa Bestlink College of the Philippines?

Halos lahat ang sinisisi ay ang Bestlink College of the Philippines na nasa Novaliches, Quezon City, dahil umano sa pamba-black mail ng pamunuan ng Bestlink sa mga estudyante.

At dahil sa ipinagbawal na ng DepEd/CHED ang mga field trip sa mga eskuwelahan, ang naging kagawian ngayon ay pinapapirma ng waiver ang mga magulang bago makasama ang kanilang anak sa field trip.

Kung minsan ay wala ring choice ang mga magulang kundi pasamahin ang kanilang mga anak, dahil nga sa takot na hindi maka-graduate, katulad ng ginawa ng Bestlink sa mga estudyante nito na napilitang sumama sa kanilang NSTP camping sa Tanay, Rizal.

Tsk tsk tsk … Matigas talaga ang ulo ng ibang eskuwelahan, dapat na talagang ipagbawal ang field trip na ganyan, lalo na roon sa mga nasa grade school pa lang.

Sabagay kasi, ang mga ganyang field trip ay dagdag-kita sa mga eskuwelahan kaya nga nagkukumahog ang mga teacher na magpapirma ng waiver sa mga magulang ng kanilang mga estudyante dahil kumikita sila rito.

Sabagay, sino ba naman ang may gusto na mangyari ang trahedyang ‘yun?

Kaya nga aksidente eh dahil walang may kagustuhan.

Kaya nga ang sinisisi ng mga magulang ng mga biktima ay ang Bestlink dahil kung hindi nila tinakot ang mga estudyante na hindi ga-graduate ‘pag hindi sumama, ay ‘di siguro ganun karami ang sumama.

Hanggang sa sinusulat ko ito ay umabot na sa 15 na estudyante ang namatay at pati na rin ang driver ng nasabing bus ay namatay na rin.

***
Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suggestions at komento, mag text lang po sa 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>