Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IKA-31 ANIBERSARYO NG EDSA, WALA PA RING DIWA

$
0
0

NGAYONG Biyernes, sa halip na bukas (Sabado), ang itinakdang pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng EDSA I People Power Revolution gaya ng nakagawian na ng mga sumama at nakipaglaban para mapatalsik sa poder ang umano’y diktadurang Marcos.

Imagine, tatlumpu’t isang taon na ang nakalilipas ang sinasabing EDSA People Power Revolution at hanggang ngayon ay patuloy pa ring isineselebreyt ng mangilan-ngilan na lamang na natitira sa mga orihinal na nakipaglaban para mapatalsik lang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa poder.

Nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin makapag-move-on ang mga nasa likod ng pagpapatalsik kay Marcos na halos kung ikukumpara n’yo sa isang namatay na ordinaryong tao, si Marcos, kung hindi siya mayaman ay baka siguro pati buto nito ay natunaw na sa tagal ng panahon na pagkakamatay nito.

Halos marami na ring matitikas na leader na nakipaglaban noon kay Marcos ang patay na rin pero ewan ko kung bakit hanggang ngayon ay patuloy na isineselebreyt ang diwa ng EDSA (e wala namang diwa), gano’ng paulit-ulit lang ang tema ng selebrasyon ‘yung yurakan na masama, magnanakaw, diktador si Marcos.

Bakit kaya binibigyan ng mga taong ito ng masyadong importansya ang mga ginawang hindi maganda sa bayan ni Marcos at ‘yung mga ginawang magaganda ni Marcos sa bayan ay pilit nilang itinatago sa mata at isipan ng taumbayan, partikular sa mga bagong sibol na kabataan.

Pagkatapos, ngayon ay inili-link naman nila si Pangulong Rodrigo Duterte na “carbon copy” raw ni Marcos na kapwa raw mga diktador.
Paanong naging diktador?

Tingnan ninyo, bayan, mula nang napatalsik si Marcos bilangin n’yo ‘yung mga Presidente na naupo (puwera lang si Duterte), gaano karami ang mga Filipino ang naging adik at pusher?

Bilangin din ninyo kung gaano karami ‘yung mga nakapasok na shabu sa ating bansa at gaano karami ngayon ang mga magnanakaw sa ating gobyerno. Saka kayo magpaliwanag sa bayan.

Sa totoo lang, sa lahat ng mga naabutan kong Presidente (huwag naman sanang masamain ng ibang mga naging Presidente) tanging sina Marcos at Duterte ang nakita kong mga presidente na may determinasyon.

NAGBUBULAG-BULAGAN ANG KAPULISAN

Pasaklaan ni Mang Willie B. sa El Paso Cockpit, Nasugbu at Palico Cockpit sa Brgy. Palico, Tui na kapwa sa lalawigan ng Batangas ay patuloy pa rin ang operasyon dahil ikinubli niya ito sa dalawang cockpit arena para ‘di disimulado.

Patuloy pa ring nagbubulag-bulagan ang mga kapulisan ng Nasugbu at Tui sa pasaklaan ni Mang Willie B.

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>