Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAS MARAMING NANAWAGAN LABAN SA DROGA, KORAPSYON AT KAHIRAPAN

$
0
0

MAHIGIT 400,000 katao ang nagtungo sa asembliyang bayan sa Luneta nitong Sabado ng gabi kung saan solidong ipinakita at isinigaw ang suporta sa laban ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga, korapsyon at kahirapan.

Samantala, mahigit 2,000 lamang ang dumalo sa kilos-protesta ng pinagsanib na pwersa ng dilawan nina dating Pangulong Benigno Aquino III, Pangalawang Pangulo Ma. Leonor “Leni” Robredo, Communist Party of the Philippines (CPP), Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Campaign Against the Return of the Marcoses to Malacañang (CARMMA), Sanlakas, at Partido Manggagawa (PM) nitong Sabado sa EDSA kung saan ay nanawagan sila ng pagtutol sa pagbabalik ng diktadurya.

Malinaw ang mensahe ng dalawang asembliya: HANGAD NG MAMAMAYAN NA ITULOY NI PANGULONG DUTERTE ANG PAGSUGPO SA ILIGAL NA DROGA, KORAPSYON, AT KAHIRAPAN KAYSA HARANGIN ANG PAGBABALIK UMANO NG DIKTADURYA.

Malinaw pa sa sikat ng araw na iligal na droga, korapsyon, at kahirapan ang tunay na mga suliranin at kalaban ng mamamayang Filipino at hindi ang pagbabalik umano ng diktadurya.

Walang nakikitang batayan o senyales na ipatutupad ni Duterte ang batas-militar.

Ang talamak na paglipana ng iligal na droga, malawakang korapsyon, at napakalalim at malawak na kahirapan ang gustong solusyonan ni Duterte, sapagkat ang mga ito ang hindi inasikaso ni Aquino mula 2010 hanggang 2016, kaya talamak na talamak ang mga ito.

Ngayong mapagpasyang sinusugpo ng administrasyong Duterte ang tatlong nabanggit na suliranin, siya namang iwinawasiwas ng mga dilawang Liberal Party, CPP, CARMMA, BAYAN, Sanlakas, at PM ang isyu ng diktadurya at batas-militar.

Hindi maintindihan ng mamamayan kung saang lupalop ng impiyerno nahugot nina Aquino, Robredo, CPP, BAYAN, CARMMA, Sanlakas, at PM ang kanilang ideya na babalik ang diktadurya at batas-militar.

Kaya, mahigit 2,000 lamang ang dumalo sa kanilang pagtitipon nitong nakaraang Sabado sa EDSA.

Dahil sa liit ng dumalo, nagmistulang tambak na basura ang kanilang pagkilos, kaya mas marami pang langaw at bangaw ang dumagsa sa EDSA habang nagsisigaw sila ng panis na isyu ng diktadurya at batas-militar.

Dapat hindi na pinapansin ang mga ito dahil naghahasik lamang sila ng pananakot sa mamamayan.

Dapat hindi na pinag-aaksayahan ng oras at panahon ang mga ‘yan dahil panay satsat ng mga malalansang ideya. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>