Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SCARBOROUGH, MILITARY WEAPONS SYSTEM NGA BA?

$
0
0

TILA nakababahala na ang walang patid na pagtatayo ng iba’t ibang pasilidad na sinasabing military facility ng China sa inaangkin nitong isla sa West Philippine Sea na sakop ng exclusive economic zone ng Pinas.

Aba’y hindi na biro-biro ito kung sakaling totoo man ang mga nakikitang nakatayong kongkretong mga pasilidad ng Tsina sa Scarborough Shoal sa Masinloc, Zambales. Dapat kumilos na rito ang gobyerno at huwag nang magpapetiks-petiks pa dahil usaping pangseguridad na ng bansa ang nakataya rito.

Una, ano ba ang pakay ng China sa pag-angkin nito sa Scarborough Shoal at bakit kailangan pa niyang manakop ng teritoryo na hindi naman niya sakop? Dahil kung pagbabasehan natin ang pandaigdigang mapa ay maliwanag pa sa sikat ng araw na ang Scarborough Shoal ay sakop ng Pilipinas.

May mga balita kasi at mismong si National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon ang nagsabi na may isa nang naitayong malaking gusali ang China sa Scarborough na hinihinalang isang military facility. Maituturing na malaking banta raw para sa seguridad ng bansa iyon, maging sa iba’t ibang kalapit na bansa natin.

Kung magiging banta rin lang sa seguridad ng ating bansa ang mga itinatayong gusali sa Scarborough Shoal ng China ay hindi na kailangang hintayin pa ni Sec. Esperon ang mga “classified report.”

Dapat ngayon pa lang ay umaksyon na ang gobyerno para kuwestiyunin ang nakababahalang gusali na itinatayo ng China sa Scarborough Shoal!

Maraming buhay ang malalagas diyan. Pero paano kung ito na ang pagsisimulan ng kinakatakutan ng lahat na “3rd World War” (Naku po, diyos ko, huwag po sana, “Panginoon kong Hesus Kristo”)?

BILAS NI MAYOR ANG MAY PASUGAL SA BATANGAS

Malakasan at tila hindi matibag-tibag ang saklaan ni Nonit sa buong Region 4-A (Calabarzon) sa bayan ng Padre Garcia, Batangas dahil wala siyang ipinagmamalaki kundi si Mayor Michael Rivera (Paano, bilas niya kasi).

Eh, ang balita ko pa nga ay malakas din siya sa hepe ng Padre Garcia-PNP na si Maj. Fernando Fernando. Bakit?

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>