Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WELCOME BACK TOKBANG AT PATRIOTIC POLICE FORCE

$
0
0

SINASABI ni Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa na may 200 nang pulis na kanyang sinibak.

Sabi niya, siya mismo ang pumirma sa dismissal order para sa mga pulis at may mga nakasalang pang kanyang pipirmahan.

Rerebyuhin din daw ng kanyang opisina ang mga kaso ng mga nasibak ng pulis ngunit nakabalik sa serbisyo.

At kung may dahilan talaga na masibak ang mga ito, dapat talaga silang masibak at hindi na pababalikin pa sa serbisyo.

HINDI BALENG KAKAUNTI

Ang habilin ni Pangulong Digong kay DG Dela Rosa na piliin ang mga pulis na lalahok sa giyera sa droga ang susi sa paghawak sa pulisya.

‘Yung may “patriotism”, ‘yung walang ibang iniisip kundi paglingkuran ang sambayanan at hindi ang pansariling interes ang gusto ng Pangulo na isabak sa giyera.

May mensahe na klaro rito: Hindi baleng kakaunti ang mga pulis basta tapat sa kanilang tungkulin ang mga ito.

‘Yung bang totoong protektor at tagapaglingkod sila ng mamamayan, gaya ng nakatatak sa kanilang mobile patrol.

GIYERA ULIT

Bago ang nasabing habilin ng Pangulo kay Dela Rosa, nagbigay na ito ng senyales na sasabak ulit sa droga ang mga pulis.

Inaamin naman kasi ng Philippine Drug Enforcement Agency na hindi nila kayang mag-isa ang laban sa droga, kahit na kasama pa nila ang National Bureau of Investigation at Armed Forces of the Philippines sa mga espesyal na operasyon.

Sadyang malaki, malawak at makapangyarihan ang mga may hawak ng droga kaya panahon nang ibalik ang mga pulis laban sa mga ito.

At hinahanap na rin ng mga mamamayan ang patrolya ng mga pulis laban mismo sa mga nagdadala ng droga na pinagmumulan ng nasa 60-70 ng kabuuang krimen sa mahal kong Pinas.

INTRIGA SA MAIIWAN

May malaking tanong ngayon sa mga pulis.

Halimbawang may mga hindi mapipili na sasabak sa droga, at maiwanan ang mga ito sa kanilang mga kampo o istasyon lamang, hindi kaya maging alanganin ang kalagayan ng mga ito?

Isang halimbawa ang nangyaring paglilipat sa Mindanao ng nasa 300 pulis na may mga rekord at tinaguriang police scalawags.

Wala pang 100 ang nagpakita at mas ginusto ng mga ito ang maideklarang Absent Without Leave o AWOL hanggang sa masibak ang mga ito bilang pulis.

Ngayon ang tanong, sino ba talaga ang mga hindi mapipili?

MGA TRAYDOR

Istrikto at maganda ang layunin ng Pangulo, maging si Heneral Dela Rosa, sa pagpili ng mga pulis na ilalaban sa droga. Pero sadyang magagaling at wais ang mga may hawak ng droga.

Pupwede nilang i-infiltrate o lihim na papasukin ang hanay ng mga patriotic na police upang magsilbing protektor nila.

Hindi ito isang guni-guni lamang kundi totoong nagaganap.

PALATANDAAN NG MGA TRAYDOR

Kapag may mga operasyong sensitibo ang mga police at pumalpak, magduda ka na, baka may alaga kang ahas.

Maaaring may kasama sa mga patriotic police o may kontak ang mga ito sa hanay ng pulisya mismo na may kontak din sa mga may hawak ng droga.

Isa pa, kung puro pipitsugin ang mga madadale sa operasyon, magduda ka pa rin.

Kung wala ring kusa ang mga ito na magpalalim sa kanilang imbestigasyon hanggang sa may matumbok sana na malalaking isda, aba, magduda-duda ka pa rin.

PANGALANAN SILA LAHAT

Ito ang isang mungkahi ng ating uzi.

Pangalanan sa media ang lahat ng mga pulis na mapipili na lalaban sa droga at mga hindi sasali.

Tutal public officer naman ang mga ito na hindi dapat itago.

Ang layunin lang ng pagpapangalan sa media ay para magkaroon ng tsansa ang mga mamamayan na kilatisin ang mga ito.

Sa ibang salita, makatutulong nang malaki ang mga mamamayan sa pagkilala sa mga pulis. Kung pupwede ang mga ito o hindi.

Ang dami na kasing pinili na “okey” sa panlasa ng mga nakatataas ngunit mga iskalawag palang tunay.

TOKBANG, WELCOME BACK

Lumalabas na pinagtatawanan lang ng mga sangkot sa droga kahit pa ang patay na 7,000 sa giyera.

At ang mga tumatawa ay malalaki, kasama ang mga iskalawag sa pulisya na kanilang mga kasosyo o protektor.

Sa Mindanao, mga militar ang escort ng PDEA at pulis sa paglusob sa mga nasa droga dahil talaga namang armado ang mga ito at lumalaban.

Tokbang ang narapat sa mga ito at hindi tokhang.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>