Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

JIM PAREDES MAY BAYAG KAYA?

$
0
0

KAHIT ano pa ang ikatwiran, hindi nararapat ang nangyaring panduduro ng singer-composer na si Jim Paredes sa ilang pro-Duterte na kabataan sa EDSA noong Sabado.

‘Di ba’t sinasabing ang EDSA “People Power” uprising noong 1986 ay siyang nakapagpabalik ng demokrasya, freedom of assembly at freedom of speech?

E, ano itong ipinakita ng Paredes na ito?

Porke isa siyang celebrity at kilalang miyembro ng APO Hiking Society, may karapatan na siyang matahin at ipagtabuyan ang Duterte Youth group?

Ipagpalagay nating naiiba ang pinaninindigan ng pro-Duterte group sa kanilang pagtayo sa lugar na pinagdarausan ng 31st anniversary celebration ng EDSA 1.

Hindi nararapat na sila’y harapin ng may kabastusan dahil wala namang ginagawa ang mga itong nakasasakit o nakagugulo sa rally ng mga burgis na dilawan.

Hindi naman pag-aari nitong si Paredes ang bangketa o kalye na kinatatayuan ng Duterte supporters.

Hindi rin naman siguro nakareserba ang lugar na ‘yun para sa panauhing pandangal o kung sinong ngoyngoy.

Kung sakaling may mga dilawan na may bayag ang nag-rally sa Luneta Grandstand noong Sabado ay may posibilidad na mangyari rin ‘yun.

Titiyakin ko sa inyong babatikusin ko rin ang sinomang gagawa ng inasal ni Paredes laban sa Duterte Youth group.

Hindi tama ‘yun. Maging si Digong ay hindi kukunsintihin ‘yun.

Ngunit hindi nangyaring may mag-rally na dilawan sa Luneta dahil wala sa kanilang may bayag na nangahas gumawa noon.

Mangangahas ba si Paredes na gawin iyon? DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>