Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PDEA REGION 7 DIRECTOR, GUMANTI

$
0
0

MAHIGIT limang kilo [raw] ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 sa pamumuno ni Director Yogi Ruiz.

Si Director Ruiz ng PDEA Region 7! Siya itong opisyal ng PDEA na taas-noo sa pag-amin na nagbigay ng utos upang tanggalan ng saplot ang lahat ng preso roon sa Cebu ilang araw pa lang ang nakararaan.

Ang katwiran ng opisyal na ito, hubo’t hubad ang inabot ng mga preso upang maging ligtas ang mga operatiba habang siniyasat nila ang pasilidad ng kulungan.

Naisip ito ng magaling na si Director Ruiz sa kabila ng sunud-sunod na batikos ng mga Human Rights group, lokal man o dayuhan. Ganito katindi ang bilib sa sarili ng Ruiz na ito.

Ilang araw makalipas ang hubaran sa loob ng kulungan kung saan promotor itong si Ruiz na umani ng sangkaterbang batikos ay napakatulin ang paghihiganti ng naturang opisyal ng PDEA.

Tinatayang P20-milyong halaga ng shabu ang nasakote mula sa kanilang operasyon sa Talisay City. Nasakote rin ng mga bata-batuta ni Ruiz ang sinasabing ‘major distributor’ ng shabu sa Central Visayas.

Nang iutos ni Ruiz ang pagpapahubad sa mga preso ay umani ito ng batikos mula sa taumbayan pero ngayong nakasabat sila ng mahigit limang kilo ng shabu aba’y marapat lang na papurihan ang Ruiz.

Ang pangunahing suspek na kanilang nasakote ay tinawag na si Marwin Abelgas na inamin naman talaga na bumalik siya sa pagbebenta ng shabu para panggastos sa kaniyang kabuhayan.

Huminto raw siya noon makalipas siyang makalaya sa kulungan nang dahil din sa kasong pagbebenta ng iligal na droga pero muli siya ngayong nagbenta… pero hindi raw ganoon karami batay sa ulat ni Ruiz.

Ang ibig bang sabihin nito’y dinagdagan nitong si Ruiz ang mga nasabat na ebidensya upang lumaki ang istorya pabor sa kanya upang pagtakpan ang kanyang kapalpakan ng hubaran ng mga preso?

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com. EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>