SA wakas, pinakakasuhan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential chiel legal counsel Atty. Sal Panelo ang majikerong may-ari ng Mighty Corp. na si Alexander Wongchuking dahil sa panloloko sa atin.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan at inihahanda na ni Atty. Panelo ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa may-ari ng nasabing cigarette firm na Mighty Corp. na pag-aari ni Wongchuking.
Posibleng baka masalang sa habambuhay na pagkabilanggo ang may-ari ng Mighty Corp. dahil ang balita ko ay nakatakda itong kasuhan ng “economic sabotage” ng gobyerno dahil sa paggamit nito ng mga pekeng selyo o stamp sa buwis ng kanilang produkto.
Kasabay na rin nito ang pakikipag-ugnayan ni Atty. Panelo kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Comm. Caesar Dulay para alamin ang iba pang mga ground sa isasampang kaso sa nasabing may-ari ng cigarette firms.
Alam ba ninyong napakahabang panahon na palang niloloko ni Wongchuking ang gobyerno sa ginagawa niyang pagpapalusot ng kanyang multi-bilyong halaga ng mga cigarette smuggling sa bansa.
Kumbaga ay ginagawa niyang “gatasan” ang Pilipinas para lang magkamal siya ng bilyon-bilyong pera mula sa mga ipinapalusot nito sa kanyang cigarette firms na hindi naman nagbabayad ng buwis.
Sana ay huwag namang mauwi sa wala ang kasong ito ni Wongchuking para naman hindi maghinala ang publiko sa gobyernong Duterte na may nangyayaring himala sa nasabing kaso.
MGA BANGKA SA PASUGALAN, MGA TOKHANG
Sa San Pedro, Laguna ay silipin natin itong pwesto pijo na pasaklaan na minamantine ni Iya. Ang balita ko, ang bangka niya ay itong sina alyas Patu at isang alyas Gerry Tae na kapwa mga umano’y drug pusher.
Malakas ang loob nitong si Iya dahil sa direkta siya sa engkargado/bagman ni Laguna PD Supt. Joel Pernito kaya kahit magdamagan ang pasakla nito sa San Pedro ay hindi ito hinuhuli.
oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
