Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KARAPATAN? MAGSALAMIN NGA KAYO!

$
0
0

LAHAT ng tao ay may karapatan. Malaya at protektado tayo ng Saligang Batas o Konstitusyon. Magsalita, pumuna, bumatikos, magpasya, kumain, matulog, mamasyal kahit saang lugar at gumawa ng anuman na gustong gawin. Iyan ang proteksyon ng sinoman sa atin – KARAPATAN!

Lamang, hindi sa lahat ng oras ay puwedeng gamitin at ipagsigawan sa mundo na dapat igalang ng sinoman ang KARAPATAN, lalo na kung ang ginagawa natin ay labag sa batas sa anomang batayan.

Rebelyon, terorismo, panggugulo sa kapwa at sa bayan ay ilan lang sa bawal na gawa para ikatwiran ang karapatan ng sinomang indibidwal o grupo. Alam natin iyan pero sadyang mabait ang mga taong dapat magpatupad ng batas.

Karapatan ba ng kahit sinong tao ang pumatay, magnakaw, mangulimbat ng pera at gamit dahil lang sila ay nagugutom at walang pera? Karapatan ba na matatawag ang panghoholdap sa mga tao dahil wala raw pangkain? Karapatan ba ng masasama ang manggahasa dahil umaangat ang libog nila?

Aba naman, kung sa ilan ay karapatan ang umabuso, tumingin nga muna kayo sa inyong mga salamin!

Masyadong kumplikado ang nangyayari sa ating lipunan ngayon. Pinangungunahan ng mga politiko at mga mambabatas pa man din ang pang-aabuso sa salitang KARAPATAN. Para raw sa kanila, kahit kriminal, may karapatan pa rin na dapat igalang ng sinuman? Punyeta!

Sa karapatan na iyan, sige, kasuhan sa korte. Papaano naman ‘yung pinatay ng mga kriminal na pawang inosenteng sibilyan?

Maipakulong man nang habambuhay o bitayin ng 10 ulit, maibabalik ba nila ang buhay ng kanilang biktima?

Madaraan ba sa rehabilitasyon ang milyong kababayan natin na tinuruan ng mga adik at ginawang alipin habambuhay bilang buhay-adik?

Sinira ng mga druglords, traders at pushers ang buhay ng mga ito! Bibigyan pa din ba ng karapatan na mabuhay ang mga demonyong iyan?

Huwag ninyong gamitin ang Diyos sa usapin na ito! Huwag itakip ang bibliya sa kahayupan ng mga kriminal sa ating lipunan!

Karapatan ng bawat mamamayan ang mabuhay ng marangal, ligtas sa anomang masama gawa ng kapwa, bigyan ng proteksyon ng mga awtoridad. Iyan ang KARAPATAN!

Maraming sektor ngayon ang animo ay sobrang talino sa paggamit ng karapatan. Tatanggap ng suhol at kapag nadakip, karapatan daw niya na mangatwiran pa? Magsalamin nga muna kayo! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>