Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BOOKIES SA LAGUNA, BAKIT HINDI ALAM NI PD?

$
0
0

SA kabila ng mahigpit na ipinatutupad ng Philippine National Police ang anti-illegal gambling sa buong kapuluan ng bansa ay patuloy naman ang kabi-kabilang operasyon ng mga iligal na pasugalan, partikular na ang mga bookies ng Small Town Lottery sa buong kapuluan.

Tila kasi nagmamaang-maangan ang ibang mga provincial director ng mga lalawigan, kakutsaba ang mga chief of police at kani-kanilang mga bagman/collector, sa talamak na mga iligal na pasugalan sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Gaya na lamang dito sa lalawigan ng Laguna na pinamumunuan ni PD Supt. Joel Pernito na sinasabing hindi raw tumatanggap ng timbre kapag ang mga pasugalan ay may kinalaman sa operasyon ng bookies ng STL.

Eh, ‘yung bagman/collector nito sa mga illegal gambling ay panay naman ang pagkolekta o pangongotong sa mga pasugalan, hindi lang sa mga sugal lupa kundi maging sa talamak na operasyon ng bookies ng STL sa nasabing lalawigan.

Hindi ko lang alam kung nakararating kay koronel ang mga kinokolekta ng bagman/collector sa mga iligalista gaya nitong bookies ng STL ni ONAD sa Liliw, Laguna na matagal nang nag-o-operate pero hindi hinuhuli ng kapulisan.

Alam kaya ni Supt. Pernito ang pangongotong ng kanyang bagman/ collector sa mga iligal na pasugalan gaya ng bookies ng STL?

O baka naman nagmamaang-maangan lang si kernel. (Penge naman, Sir). He..he..he..he.

MGA PUWESTO PIJO NG DROP BALLS SA N.E., SI HEPE NGA BA ANG NINONG?

Sa Nueva Ecija, sa bayan ng Rizal, ay mabubungaran ninyo ang malakasan daw na operasyon ng pwesto pijo ng drop balls na kalimitan ay pinamumugaran ng mga durugista sa nasabing bayan.

Nakarekta at may timbre raw kay hepe ito kaya kahit na kaliwa’t kanan ang mga reklamo ay hindi kumikilos si hepe.

Totoo ba ito, hepe? Kung totoo, ang lagay, eh, penge naman. He..he.he..

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>