Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IMPEACHMENT WAR: SI VP LENI ANG NADALI

$
0
0

MAY namumuong giyera na naman sa Kongreso. Ito ay tungkol sa usaping Impeachment.

Nagsampa si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ng Impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte dahil umano sa pagpatay at pag-abuso ng Pangulo.

Pero ang giyerang nais ng Magdalo, hindi na sa pamamagitan ng mutiny, ay alam nating hindi rin magtatagumpay.

Sa tingin ko, ang hakbang ng Magdalo ay hindi upang patalsikin talaga si Duterte, bagkus ay upang sindakin lamang ang presidente.

Batid ng Magdalo na bukod sa “walang sustansiya” ang inihaing Impeachment complaint laban kay Duterte na siyang pangunahing sangkap na hinahanap sa reklamo, talo rin sila sa bilang kapag nagkabotohan na ang mga kongresista.

Nakita natin kung gaano karami ang tagasuporta at kaalyado ni Pangulong Duterte sa Kamara noong pagbotohan sa final reading ang panukalang muling pagbuhay sa death penalty.

Ang hakbang ng Magdalo ay hindi upang seryosohin ang pagpapatalsik sa Pangulo, kundi upag lasunin ang ating mga isip na si Duterte ay wala ring kakwenta-kwentang lider ng ating bansa.

Ngunit sinong maniniwala? Ang mga dilawan at “evil society” group lang naman.

Pero kung pag-iingay o propaganda lang ang pag-uusapan, wagi diyan ang Magdalo partylist. Dito kasi mahusay ang grupong ito ni Sen. Sonny Trillanes.

Atleast, ang Magdalo party ay mayroong bayag upang kasuhan ang ating Presidente, hindi tulad ng Liberal Party.

Ang Liberal Party na kung tawagin ng iba ay “kultong dilawan” ang sinasabing nasa likod ng mga paninira at itong Impeachment kay Pangulong Duterte dahil ang mga lider nito ay oportunista.

Ang mga taong ito na madidilaw ang mukha sa simula’t simula ay walang ginawa kundi pahinain at wasakin si Duterte sapagkat ibig nilang sila muli ang maluklok.

Kaya nga naniniwala si House Speaker Bebot Alvarez na si Vice President Leni ang isa sa nasa likod ng Impeachement laban kay Duterte. Ang tangkang pagpapatalsik kay Digong ay likha ng pagiging ambisyosa ng “dilawang” si Robredo.

Mantakin n’yo naman, wala pa ngang isang taon naluluklok si Duterte ay gusto na niyang palitan agad.

At dahil diyan, pinag-aaralan niya ang paghahain ng Impeachment complaint laban din kay Robredo. Ang grounds ay betrayal of public trust dahil sa pagpapadala ng video message sa United Nations (UN) na kumokondena sa war on drugs ng Duterte administration.

Paliwanag ni Alvarez, nagbigay ng masamang imahe ang Bise Presidente sa international community na maituturing na seryosong epekto sa ekonomiya ng bansa.

Kapag nagkataon mga suki, imbes na si Duterte ay posibleng si VP Leni ang mapatalsik sa poder sa pamamagitan ng Impeachment.

Nakahihiya dahil hindi pa nga napatutunayan ni Robredo kung siya nga ang totoong Bise Presidente bunsod ng protesta ng nakatunggaling si Bongbong Marcos e, masisipa pa siya. Mas malapit na malapit po ito sa katotohanan.

Ang impeachment mga suki ay isang political exercise na tulad ng eleksyon, pinagbobotohan ng mga kongresista sa Kamara. Kung ang boboto karamihan ay kaalyado ni Duterte, si Robredo ang madadali! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>