Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAKAKULONG SI DE LIMA SA KASONG DROGA

$
0
0

TINATANGGAP at ginagalang natin ang iba’t ibang suggestion at opinion ng iba’t ibang bansa pero ang hindi natin kayang sikmurain ay ang pakikialam at panghihimasok ng ibang bansa sa pagpapatupad natin ng ating mga batas.

Ang isa sa mga halimbawa natin ay ang pakikialam at pakikisawsaw ng grupo ng European Parliament (EP) sa kaso na kinasasangkutan ni Sen. Leila de Lima.

Hinihiling ng grupong ito sa gobyerno ni Pang. Rodrigo Duterte na palayain mula sa kulungang ang nasabing senadora (bakit….?).
Diyos ko pong mahabagin, nagkandautot-utot ako sa katatawa sa kahilingang ito ng European Parliament.

Hindi ko alam kung eksperto ang grupong ito sa paglinang ng mga batas o baka naman (wrong information) lang ang ibinigay sa kanilang “impo” sa kasong ito ni De Lima kaya siya kinalaboso.

Paanong hindi ka magkakanda-utot sa katatawa sa kahilingan ng EP, eh, alam ba kaya ng grupong ito kung bakit at anong dahilan na kinalaboso si De Lima?

Alam kaya nila na ang kasong kinasasangkutan ng senadora ay may kinalaman sa kalakaran ng iligal droga sa ating bansa?

Mismo nga si Presidential Legal Counsel Atty. Sal Paelo ang nagsabi na sa international law ay walang sinomang bansa ang makapagdidikta sa ibang mga bansa kung ano ang dapat gawin nito sa kanyang mga kababayan, lalo na kung may kinalaman ang ito sa kasong kriminal.

Ayon pa sa abogado, walang karapatan ang sinoman na manghimasok sa judicial process ng anomang bansa. “They should mind their own business.” He..he..he (tangna nila).

Biruin ninyo, kung inyong bubulatlatin ang joint motion ng European Parliament na isinumite nito ay nakasaad daw roon na si De Lima ay isang human rights advocate, bukod pa sa pinakamatinding kritiko raw ni Pangulong Duterte lalo na at may kinalaman ito sa kampanya sa kalakalan sa iligal na droga sa Pilipinas.

Kaya naman itong tinamaang lintik na grupo ng EP, ay nababahala ngayon sa kalagayan ni De Lima, maging sa kaligtasan nito dahil ang katulad niyang kritiko ng Pangulo ay nahaharap sa pananakot, harassment at cyber bullying.

Kung kilala lang nitong grupo ng EP si Presidente, ay naku po, napakabait ng mamang ‘yan sa mga babae. Kung anoman ang iniisip nila sa Pangulo ay hindi niya gagawin ‘yan minsan ko na rin kasing nakaharap siya noon. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>