Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TULOY ANG GIYERA SA DROGA, KRIMEN AT KORAPSYON

$
0
0

NAPAKARAMI nang pagbabago ang nagaganap sa ating sa mahal kong Pinas na ikinabubuti ng milyon-milyong katao at ikinagaganda ng imahe ng Pilipinas sa ibang bansa.

Ngunit sa gitna nito, naririyan ang mga hindi kumporme sa mga pagbabago at may sariling dalang kaisipan para sa pagbabago na hindi mawari kung ano-ano ang mga iyon.

Magkagayunman, dapat na hindi magpadala sa mga istorbong pulitikal ang pamahalaan Duterte sa mga nasimulan nitong proyekto o programang talaga namang pinakikinabangan na ng nakararami kundi man ng lahat.

TANIM-BALA

Isa sa mga biglang napahinto ng pamahalaang Duterte ang korapsyon sa mga paliparan na sumisira sa buhay ng ‘di mabilang na Filipinong manlalakbay, kasama na ang mga dayuhan.

Palatandaan ng korapsyon ang noo’y tanim-laglag-bala na bumibiktima ng mga Filipino at dayuhan na naging isa sa mga dahilan kung bakit isinusuka tayo ng mga turista at negosyanteng dayuhan.

Malaking bagay ang pagturing ng mga manlalakabay na malaya na sila sa korapsyon bagama’t talamak pa rin ang bukas bagahe na maaaring sa ibang bansa o sa Pilipinas o sa loob ng mga eroplano nagaganap.

Hindi nagawan ng paraan ito ng mga nakaraang administrasyon at pinabayaan lang ang mga nagkakamal ng malalaking halaga ng salapi rito.

DAGDAG-PENSYON

Hindi maitago ng mahigit dalawang milyong senior citizen ang kanilang kasiyahan sa pag-apruba mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kahilingan nilang P2,000 dagdag-pensyon buwan-buwan.

Bagama’t P1,000 pa lang ang tinatanggap ng mga ito at sa mga susunod na panahon nila makukuha ang karagdagang P1,000, nakatutulong na rin umano ang paunang halaga bilang panggastos nila sa gamot at tsibog.

Kung mag-asawa ang may pensyon, P2,000 na rin ang tinatanggap nila at malayong mas maganda kaysa noong wala silang tinatanggap na dagdag-pensyon.

Hindi nagawa ito ng nakaraang mga administrasyon sa kabila ng nakaaawang kalagayan ng higit na nakararami sa mga pensyonado.

KALIGTASAN SA KRIMINAL

Walang magulang ang nagtitiwala na ligtas ang kanilang mga anak sa naglipanang mga kriminal sa mga lansangan, maging sa loob ng kanilang mga tahanan, noong wala pang giyera sa droga at mga kriminal.

Ngayon, hindi na kailangang ihatid, bantayan, at iuwi ng mga magulang ang kanilang mga anak na nag-aaral at malaking bagay na nakagagawa sila ng mga kapaki-pakinabang na gawain habang na iskul ang mga bata.

Wala nang gaanong kaba ang mga mag-aaral na magiging biktima ng mga agaw-cellphone, riot ng mga kabataan, holdaper, rapist, kidnapper, akyat-bahay, salisi at iba pa.

Malaki ang ibinunga ng giyera sa droga at patayan na rin mismo ng mga sangkot sa droga para mabawasan ang mga kriminal.

Sila ang mga may kagagawan sa nasabing mga krimen na hindi nagawang sawatain ng nakaraang mga administrasyon.

1M DURUGISTA

Nasa isang milyon ang sumurender sa ilalim ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel.

Kung hindi inutusan ni Pang. Duterte na hanapin ang mga ito, kabilang na ang mga druglord at protektor ng mga ito, nanatili sanang misteryo ang napakalaking bilang ng mga adik, pusher, druglord at protektor.

Sila ang may gawa ng 70% ng mga krimen, ayon sa pulisya.
Noon, naghihintay lang sa mga presinto ang maraming pulis at walang kusa ang mga ito na lumaban sa droga at makalipas ng ilang taon, basta na lang sila pino-promote kahit walang performance.

Pero ang nakapaninindig-balahibo ay ang lihim at lantaran nilang pagkakasangkot sa droga, mula sa PO1 hanggang sa mga heneral.

Walang ginawa na ganitong kalaking hakbang laban sa droga ng nakalipas na mga administrasyon at ginamit pa ang maraming pulis na sarili nilang mga tauhan para sa pansarili nilang interes.

LABAN SA KORAPSYON

Laging isinisingit ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang pansariling interes sa mga salaping bayan na gamit sa mga programa o proyekto.

Pero ramdam na ramdam nila ngayon ang kamay na bakal ng pamahalaang Duterte bilang pamigil sa korapsyon.

Ang mga senador at kongresman hanggang sa mga lokal na opisyal ay hindi na basta makakuha ng 20 porsyento na komisyon o kaya’y maka-ghost project.

Hindi na rin basta nila mamadyik ang kalahati ng badyet sa mga programa at proyekto na dati’y nagreresulta ng mga hilaw o substandard na produko at serbisyo.

Ngayon, inaasahang mas marami nang magagawang magagandang proyekto at programa ang pamahalaan dahil sa natitipid mula sa korapsyon.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>