Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANTI-ILLEGAL GAMBLING NI DU30, SUPORTADO NI ERAP

$
0
0

HINDI lang dahil naging ninong ng bunsong apo na si Stonefish si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada kaya sinusuportahan ng huli ang anti-illegal gambling campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batid ng ama ng Maynila na magiging daan ang proyekto para sa pag-unlad ng bansa at ng mamamayan.

Noon pa man ay suportado na ni Mayor Estrada ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga proyekto nito na ang kinikita ay nagiging malaking pakinabang sa bansa sa ibinibigay nitong pondo para sa mga proyekto ng Pangulo.

Kaya nga, maging ninong o hindi siya ng anak ni Davao Mayor Sarah Duterte ay nasa likod pa rin siya ni Pang. Duterte sa pagpapatupad nito ng mga hakbang upang labanan ang mga iligal na sugal.

Alam ng “Ama ng Maynila” na marami ang tututol sa kanyang pagsuporta sa anti-illegal gambling campaign ni Pang. Digong pero positibo itong maipapaliwanag niyang mabuti sa mga mamamayan na mas maganda para sa kanila ang trabahong ibibigay ng PCSO sa pamamagitan ng mas pinalawig na Small Town Lottery.

Sinabi ng alkalde ng Maynila na maraming buhay at pamilya na rin ang sinira ng sugal na tulad ng droga ay kailangang labanan upang mailigtas ang mga susunod na henerasyon at “Pag-asa ng Inang Bayan.”

Batid ni Mayor Erap na hindi lang naman hanapbuhay ang maibibigay ng PCSO sa mga Manileño sa pagtangkilik sa STL kundi magiging maganda rin ang buwis na matatanggap ng lungsod sapagkat hindi na mapupunta sa bulsa ng mga tiwaling opisyal ng pulis kung hindi sa mismong kaban ng bayan.

Kaya nga ipinag-utos ng alkalde kay Manila Police District Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel ang paghuli sa mga lalabag sa anti-illegal gambling campaign.

Bago pa man ang kautusan ni Mayor Erap, mas pinatindi na ni Coronel ang operasyon upang masugpo ang mga nagkalat na pasugalan at sugal kalye.

O hayan, Chief Insp. Michael Garcia, hepe ng Barbosa Police Community Precinct, bawal na ang sugalan kaya baka pwedeng hulihin na ang mga peryahan sa iyong nasasakupan. Isabay mo na rin ang mga sugal lupa na iniikutan ng iyong mga bata upang kotongan. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES