NGAYON ay bigyan po naman natin ng espasyo ang karaingan ng mga kaguwardiyahan ng Raja Security Service Corporation ng mag-inang sina Josephine de Leon at ang kanyang anak na si Arc. Joel de Leon.
Ayon sa mga nagrereklamong sekyu, hanggang ngayon daw ay hindi pa ibinibigay sa kanila ang kabuan ng 13th month pay nila para sa nakaraang December. Ang suweldo raw nila ay 520 sa 12 hours at wala ring bayad ang holiday.
Kaya tinatawagan natin si DOLE Sec. Silvestre Bello na alam nating kayang-kaya na harapin ito.
Sec. Bello, pakiaksyunan lang po.
Basahin natin ang reklamo ng mga guwardiya.
Dear Sir Johnny Magalona, good am po. Baka po pwede n’yo kaming matulungan sa problema namin sa agency po namin o di kaya baka po mayron po kayong pwedeng mairekomenda para po matigil na ‘yung panloloko na ginagawa ng security agency sa aming mga guwardiya.
Ang name ng security agency naming ay Raja Security Services Corp. Sir, pati po kasi 13th month pay namin noong Disyembre ay ‘di nila ibinigay nang buo. ‘Yung payroll po namin na 3 copies blangko po ‘yung dalawa. Sir, naka-stapler kaya ‘di namin makikita.
At ‘yung pay slip po namin ‘di nila rin ibinibigay sa amin. Walang holiday po, wala ding night defirential sa duty namin ‘pag pang gabi kami.
Ang address po ay 33 Kaimito St., Green Park Village, Cainta, Rizal. ‘Yung may-ari po ay si Mrs. Josephine de Leon at ang anak niya na si Arch Joel de Leon. Sir, P520 lang po suweldo namin sa 12 hours, ‘pag holiday wala rin kaming nakukuha sa kanila.
Sana po, sir, matulungan nyo po kami.
PASAKLA NI ERICK SA CAVITE, NAGLIPANA
Sa Cavite City sa lalawigan ng Cavite ay patuloy ang operasyon ng saklang may patay at saklang walang patay ni alyas Erick.
Tila hindi binibigyang-pansin ng mga kapulisan dahil sa ginagawa nila itong gatasan. Hindi ko lang alam kung malinis o nagmamalinis lang itong si Cavite Provincial Director (PD) Supt. Arthur Bisnar dahi mismo sa tungki ng ilong nito ang pasakla ni Erick.
Bakit nga niya hindi nakikita? Dahil ba sa pasok sa timbre ni Maj. Cawatan?
oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
