PAG-USAPAN natin, mga pare koy, ang Barangay Election sa darating na Oktubre, na ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay maglalagay na lang daw siya ng officer-in-charge(OIC) sa mga incumbent na barangay captain para sa holdover capacity.
Sa pagpili ng mga OIC ay gagamitin ni Pang. Duterte ang lahat ng nalalaman niyang tamang mekanismo sa pagpili ng mga magsisilbing OIC, upang sa ganu’n ay makapili siya kung sino ang karapat-dapat na mamuno na walang bahid na dungis na OIC sa bawat pamayanan.
Ang sabi pa ng Punong Ehekutibo “Ako I can, but you know it’s always the President who has the power to appoint.” Oo nga naman?
Ang mga pipiliing OIC ng barangay ni Pangulong Duterte ay kailangang walang record sa Philippine Drugs Enforcement Authority, pati sa pulis, military at walang konek sa mga rebelde.
Siguro tama ang desisyong ito ni Pangulong Duterte na “no barangay election” muna, Una ay katatapos lang natin sa gastusin sa nakalipas na “2016 Presidential election” pagkatapos heto may panibagong gastusin na naman.
Pangalawa ay baka nga namang samantalahin ng mga sindikato ng illegal drugs na gamitin ang mga kandidatong barangay kapitan na maging instrumento sa kanilang masasamang gawain.
Kaya dapat lang ay mag-appoint na lang si Duterte ng OIC!!!
WISH PARA KAY PANG. DUTERTE
Happy, happy Birth Day, Mr. President Rodrigo Roa Duterte. Sana’y mapagtagumpayan ninyo ang sinimulan ninyong laban!
More power,more health, more courage at sana ay ipagpatuloy ninyong ipaglaban ang karapatan ng mga maliliit na mamamayan….
Isulong ang FEDERALISMO!
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA